TANYA, laking gulat nang mag-positive ang buong pamilya kahit maingat at halos mapraning sa COVID-19 virus
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAINGAT at praning ang actress na si Tanya Garcia dahil aminado itong sobrang takot na makakuha ng COVID-19 virus, kaya gano’n na lang talaga ang gulat niya nang silang buong pamilya ay maging positibo rito.
Last week of March daw nang malaman nila na positive silang lahat. Siya, ang mister na si Mark Lapid at ang tatlong anak nilang babae na sina Mischa, Mattie at Madel at ang dalawang yaya nila.
Nagkataon pa na nasa Pampanga sila nang ang panganay na anak ay bigla raw lagnatin at mag-chill, that time pa lang, nagtaka na raw si Tanya bakit ito nagkakagano’n, wala naman ubo at sipon. Nang i-antigen test daw niya, positive nga ito at lahat na sila, nag-take na ng test at yun na, lahat sila ay COVID-19 +! Mas na-confirm ito nang mag-pcr swab test na sila.
Until now, hindi nila malaman kung saan nila nakuha ang virus. Kung si Mark man daw na ang nagdala na may time na pumapasok sa opisina, lahat naman daw sa office at mga kasama nito, including his driver, negative. Same goes sa ilkang kasambahay nila sa Pampanga at family side rin ni Mark.
Aminado si Tanya na nakakatakot pero kapag nandoon na raw pala sa situwasyon na yun, wala ka ng choice kung hindi lakasan ang loob. Ipinagpapasalamat na lang daw niya na sabay-sabay silang nag-positive kaya sama-sama lang silang lahat sa bahay na nag-quarantine. Lahat din sila ay asymptomatic, maliban kay Mark na may comorbidity dahil may dati ng naging problema sa liver niya.
Si Mark lang daw ang na-confine ng 1 week sa hospital at nang makalabas, isolated na ito sa ibang room.
At dahil nga naranasan na maging COVID-19, mas maingat daw siya lalo ngayon.
Nag-finale na ang kanyang GMA Afternoon prime na Babawiin Ko Ang Lahat at may bagong offer na raw sa kanya ang network. Pero nagpasabi raw siya na gusto muna niyang maging fully vaccinated bago mag-lock-in taping.
Ang maganda lang, after her comeback sa Babawiin… feel ni Tanya na this time, magtutuloy-tuloy na siyang muli sa pag-arte at na-miss din daw pala niyang talaga.
***
IBINUKO ni Marthena Jickain, ikalawang anak ni Aiko Melendez ang kuya niya na si Andre Yllana.
Sa YouTube vlog ni Aiko, ipinakita nito na sa halip na dalhin sa parlor, siya mismo ang gumupit sa buhok ng anak.
At habang ginugupitan ito, tinanong ni Aiko si Marthena kung sino raw sa tingin nito ang crush ng kuya niya. Ang bilis ng sagot ng ayon kay Aiko ay mahiyain niyang bunso.
Sey ni Marthena, si “Liza Soberano” raw ang crush ng kuya niya na nakumpirma nga rin ni Aiko kay Andre na totoo.
***
PARANG nakawala sa hawla si Kris Bernal.
Aminado naman kasi ito na napakadalang nilang magkita ng fiancé na si Perry Choi simula nang magkaroon ng pandemic. At kapag nagkita pa raw sila, kumakain lang sila sa loob ng sasakyan.
Pero dahil birthday nga niya and most likely, her last birthday as single, nakawala ito at ang fiancé. Makikkita naman sa mga post niya sa kanyang Instagram account habang flaunt niya talaga ang kanyang katawan sa mga pa-two piece niya.
Nakapag-beach na ito at ang fiancé at hindi nga maitago ni Kris ang saya at pagkasabik. Pagkasabik sa dagat o sa outdoor at siyempre, sa kanyang jowa.
At dahil sunod-sunod nga ang kahubaran niya sa mga post niya sa kanyang IG nag-birthday lang siya, nagpaliwanag naman ito sa isang post niya.
Sey ni Kris, “Apologies if it may seem that I post so much about my bday. Tbh, this is the only time that I was able to go out NOT because of work. This is the only time that I am able to enjoy with Perry and have my ME time.
“As you may know, I’m always busy because of my work, business, and my mind would always wander around as well. I can’t stand not doing anything. There’s always got to be something that I’m doing.
“This is why I’m so grateful and happy for having quality time with Perry and myself. Pasensya na po! Pagbigyan nyo na po, it’ll end soon!”
(ROSE GARCIA)
-
5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023
INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan. […]
-
Ads June 23, 2023
-
3 araw na gun ban ipatutupad sa SONA
TATLONG araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22, Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng […]