• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices

DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

 

Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba ni Pangulong Duterte si DOJ Secretary Menardo Guevarra.

 

Maliban aniya sa tindi ng katiwalian sa gobyerno, sinabi ni Roque na isang dahilan din sa paglikha ng Task Force ng Pangulo na sisiyasat sa lahat ng government agencies ay ang naging kinalabasan naman ng pagbuo ng Task Force PHILHEALTH.

 

Ayon kay Sec. Roque, naging epektibo ang Task Force PHILHEALTH sa paghalukay ng katiwalian gayung tulong -. tulong dito ang ibat- ibang mga tanggapan ng gobyerno.

 

Mismong ang Pangulong Duterte ay nagsabing lumalakas pa sa halip na humina ang korupsiyon sa bansa pero naniniwala aniya siyang may magagawa pa rin siya laban dito. (Daris Jose)

Other News
  • P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela

    Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.     Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]

  • Rehab ng MRT 3 train-cars tapos na

    NATAPOS  ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang rehab ng mga train cars ng nasabing rail line kung kaya’t makakaa sana ang mga pasahero ng pagbabago sa train availability nito.       Dumating na ang final set ng 72 train-cars ng MRT na ginawa sa maintenance yard nito. Dahil dito buo at tapos […]

  • Pacquiao out, Cusi in bilang PDP-Laban president

    Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi.     Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nagpanumpa kay Cusi.     Nagpalabas naman ng mensahe si Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika upang mag-ensayo para sa nalalapit […]