Tatalakayin ng IATF: posibleng paghihigpit sa pagpapa-uwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa iba’t ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na maitawid ang Kuwaresma sa kani-kanilang mga probinsiya.
Aniya, isang collegial body ang Inter-agency Task Force (IATF) na kailangang magkasundo sa isang desisyon para sa isang usapin gaya halimbawa ng magiging pag- uwi ng mga kababayan natin ngayong Holy Week.
“Hindi ko po masasagot iyan dahil ang IATF po ay isang collegial decision at kinakailangang pagkasunduan pa iyan, dito sa darating na huling linggo ng Marso,” ang pahayag ni Sec.Roque.
Magkagayon man, naniniwala naman si Sec. Roque na dahil sa walang trabaho sa nalalapit na pista opisyal ay magkakaroon ng less mobility ang mga tao.
Giit ni Sec. Roque, kailangan ito para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
“Pero siyempre po lahat po tayo looking forward to Holy Week, kasi sa Holy Week naman talaga walang trabaho, so parang magkakaroon po talaga tayo ng less mobility. At iyan po ang kinakailangan natin ngayon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bading na-depressed sa utang, nagbigti
NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]
-
Big milestone sa Beautéderm na bahagi na ang aktres: RHEA, bilib kay BEA at naniniwalang best ambassador sa bagong produkto
ISANG malaking milestone para Beautéderm Corporation na bahagi na si Bea Alonzo nang patuloy na lumalaking pamilya dahil opisyal na ito brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements. Ang REIKO […]