• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatum at Shai, nagpakitang-gilas sa muling paghaharap ng Thunder at Celtics

MULING nagharap ang dalawang bigating team na Boston Celtics at Oklahoma City Thunder, ilang lingo na lamang bago tuluyang magtapos ang regular season ng 2024-2025.

Ang Boston ang kasalukuyang defending champion sa NBA habang ang OKC ang nananatiling No1. sa Western Conference, hawak ang 54 wins at 12 pagkatalo.

Muling nagpakitang-gilas ang dalawang pinakamagaling na scorer sa NBA na sina Jason Tatum at Shai Gilgeous-Alexander. Kumamada si Tatum ng 33 points at pitong rebounds habang 34 points at pitong assists naman ang ipinamalas ni Shai.

Naging mahigpit ang laban ng dalawa at makailang-beses na nagpalit ang team na may hawak sa lead. Sa pagtatapos ng 3rd quarter naitalbla ng dalawang koponan ang score sa 88.

Lalo pang humigpit ang banggaan ng dalawa sa huling quarter lalo na sa clutch time.

Gayonpaman, gumawa ang OKC ng 7-0 run, dalawang minuto bago matapos ang laro, at ipinoste ang 11 points na kalamangan, 113 – 102.

Pinilit naman ng Boston na habulin ang OKC at gumawa ng 10-5 run hanggang maabot ang 15 secs. bago magtapos ang regulation.

Pinilit pa ng Boston na habulin ang 4-point lead ng OKC sa nalalabing 15 secs sa pamamagitan ng pag-foul kay Shai ngunit hindi na ito nagawa ng koponan.

Natapos ang laro sa score na 118 – 112, pabor sa top Western team.

Sa panalo ng Thunder, 23 points at 15 rebounds ang ambag ng bagitong sentro na si Chet Holmgren habang 18 points at 10 rebounds ang ginawa ni Boston center Al Horford.

Other News
  • PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG

    MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas.     “Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) […]

  • PBBM, wala pa rin napipisil na DOH, DND secretaries

    MASAYA pa rin daw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa performance ng mga officers-in-charge ng Depertment of Health at Department of National Defense, ito habang idinidiing wala pa siyang napipisil na mga permanenteng kalihim ng mga naturang kagawaran.     Ito ang ibinahagi ni Bongbong, Huwebes, habang nasa sidelines ng Kadiwa ng Pasko caravan sa […]

  • PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO

    MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy  sa P400 bawat  kilo  sa ilang palengke sa Metro Manila.     Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon.     Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim […]