• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tax breaks, insentibo sa mga electric vehicle operator posible — DOTr

KINOKONSIDERA ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng insentibo tulad ng tax breaks at low-interest loans sa mga transport operator upang matulungan ang mga ito na lumipat sa paggamit ng electric vehicles (EVs).

 

 

Ito’y makaraang sabihin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinag-aaralan at may inihahandang roadmap ang kanilang ahensya patungkol sa transisyon ng pampublikong transportasyon papunta sa EVs upang maisulong ang paggamit nito sa Pilipinas.

 

 

“We’re also asking the operators, instead of operating the Euro 5 or Euro 6 engines, they can go full electric. I think this is very important. We want a green transport system. That’s one of the priorities that we are adopting,” sabi ni Bautista sa Makati Business Club forum.

 

 

Nitong Enero, ipinalabas ng gobyerno ang Executive Order No. 12 series of 2023 na naglalayong pababain ang taripa ng EVs at mga piyesa nito na noo’y mula 5% hanggang 30% papunta sa inamyendang 0% na taripa.

 

 

Iba’t ibang uri ng EVs ang nakatatanggap ng tax breaks maliban sa e-motorcycles na mayroon pa ring 30% import duty sa kabila na maraming motorista ang gumagamit ng motorsiklo sa bansa.

 

 

Ayon sa Statista Research Department, mahigit 7.81 milyong motorsiklo at tricycle ang naitalang rehistrado noong 2022.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Trade and Industry na makatutulong ang implementasyon ng EO12 sa pagpapayabong ng lokal na industriya ng EVs at paghihikayat sa mga Pilipino na gumamit ng mas malinis na moda ng transportasyon.

 

 

Marami ring stakeholders ang nagpahayag ng kanilang mga panawagan na gawing mas inklusibo ang naturang batas sa pamamagitan ng pagsama sa mga e-motorcycles sa pansamantalang suspensiyon ng taripa.

 

 

Sinabi ni Electric Vehicle Association of the Philippines President Edmund Araga na bagaman suportado ng kanilang ahensya ang tariff breaks para sa  e-motorcycles, kailangan pa ring  bigyan ng oportunidad ang mga local manufacturer.

 

 

“It will be welcome on our part kung bibigyan din sila [e-motorcycles], kung mabibigyan din sila ng exception. Kasi sa ngayon, wala pa talagang legit na makakagawa sa amin ng e-motorcycles, in particular. And that this would be a good opportunity kung sakaling ipu-push ang e-motorcycles,” dagdag pa niya.

 

 

Itinutulak naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paggamit ng EVs sa bansa sa pamamagitan ng pagpapaigtingbng implementasyon ng  Electric Vehicle Industry Development Act upang makatulong sa pagtugon sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

 

Ang plano ng DOTr na transisyon sa paggamit ng mga EV at ang implementasyon ng EO12 ay bahagi ng solusyon ng gobyerno upang mabawasan ang carbon emission at mapaunlad ang air quality ng Pilipinas.

 

 

Nakatakdang mag-roll out ang Department of Energy ng mahigit 2.45 milyong EVs at 6,500 na EV charging stations sa iba’t ibang panig ng bansa mula ngayong 2023 hanggang 2028. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pagsuspinde sa sesyon ng Kongreso ni Cayetano, isang astute political move-Sec. Roque

    PARA sa Malakanyang, isang matalinong political move ang ginawa ni House Speaker Alan Peter Cayetano nang biglang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Act at suspendihin ang sesyon ng Kongreso hanggang Nobyembre 16.   Ayon kay Presidential Spokes- person Harry Roque, “House Speaker Alan Peter Cayetano’s move to […]

  • Sekyu kalaboso sa panghahablot ng cellphone

    BAGSAK sa kulungan ang isang security guard matapos hablutin ang bag na may laman cellphone ng 18-anyos na binata sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ang naarstong suspek na si Reynaldo Catada, 45, security guard at residente ng Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday na nahaharap sa kasong Robbery Snatching.     […]

  • GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH

    UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector.     Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na […]