• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tax-exempt shopping purchase ng returning OFW’s at mga balikbayan, gawing $6,000

NAIS  ng isang mambabatas na maitaas sa $6,000 ang tax exemption ng mga overseas Filipino workers at mga balikbayan kapag mamimili o magsa-shopping sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism.

 

 

Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa House bill 647 na panahon na para i-upgade ang benepisyo ng mga OFW at mga balikbayan dahil mahigit tatlumpung taon na ang batas sa Balikbayan Program.

 

 

Kapag naisabatas, mahihikayat ang maraming OFW’s at balikbayan na sa mga duty-free shops sa Pilipinas mamili ng pasalubong sa halip na sa abroad.

 

 

Sinabi ng mambabatas na makatutulong ito para sa dagdag na dolyar sa ating ekonomiya.

 

 

Sa kasalukuyan, umaabot lang sa  $3,500 ang tax exempt purchases sa mga duty free shop ng DOT.

 

 

Paliwanag ni Libanan, sa naturang halaga, $1,500 ang kabuuang tax exemption sa discretionary consumer goods at $2,000 sa livelihood tools gaya ng computers, sewing machines at iba pa.

 

 

May tatlong duty free shops ang DOT sa NAIA Terminals 1,2 and 3. (Ara Romero)

Other News
  • JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA

    NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio  ang usapin ukol sa  West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan.  Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado,  Nobyembre  4, 2023. […]

  • COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

    Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).     Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.     Ito na ang ika-14 na araw na […]

  • 118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton

    Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region.     Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil […]