• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teacher solon nanawagan kay Pangulong Marcos muling buksan ang peace talks sa CPP-NPA-NDF

Nananawagan ngayon si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party List Representative France Castro kay Pangulong Bongbong Marcos na muling buksan ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines- New Peoples Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para sa totoong pagkakaisa ng bansa.

 

 

Ang panawagan ni Castro ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 54th anniversary ngayong araw ng CPP NPA NDF ngayong araw, December 26,2022.

 

 

Naniniwala si Castro na ang pagbabalik muli ng peace negotiations sa usaping pangkapayapaan ay tugon para makamit ang totoong pagkakaisa at ituloy kung ano ang huling pag uusap.

 

 

Sinabi nng mambabatas na ang peace negotiations ay nagkaroon ng milestone agreements simula nuong 1992.

 

 

Kabilang sa napagkasunduan nuon ng GRP at NDFP panels Comprehensive Agreement on Social and Economic Reform (CASER) na siyang tutugon sa root causes ng armed conflict.

 

 

Subalit nuong November 2017 tinerminiate ni dating President Rodrigo Duterte ang peace talks sa makakaliwang grupo.

 

 

Ayon sa Teacher solon sayang ang mga napagkasunduan na lalo na sa land reform, rural development at national industrialization and economic development dahil ito ang gist ng negotiations at panimula para tugunan ang ugat ng kaguluhan.

 

Dagdag pa ni Cong Castro marami ang sumuporta sa nangyaring breakthrough sa peace negotiations kabilang ang ilang mga mambabatas.

 

 

Ipinunto rin ni Castro na walang halaga ang fake news, red tagging at pekeng mga surrenderees ang maaaring makapagbago dahil mayroon talagang glaring inequalities sa Philippine society.

Other News
  • Kauna- unahang mega quarantine facility sa NCR, bubuksan na sa publiko sa Nobyembre –Malakanyang

    NAKATAKDANG buksan at mag-operate sa darating na Nobyembre ang isang mega quarantine facility na matatagpuan sa Metro Manila.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay ang Solaire / Pagcor mega quarantine facility na ilalaan para sa mga asymptomtatic at mild cases.   Tinatayang may 600 bed capacity ayon kay Sec. Roque ang pasilidad […]

  • Ads July 27, 2020

  • Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

    PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.     Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]