• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teaser ng ‘Lolong’ na pinagbibidahan ni RURU, maraming napahanga dahil parang gawang Disney

MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita noong Lunes sa 24 Oras!

 

 

Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan ni Ruru Madrid. 

 

 

Ang Lolong ang sinasabing biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021 at kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood sa teaser ay promising talaga ang nasabing serye na handog ng GMA Public Affairs.

 

 

May ilan pang nag-comment na parang Disney raw ang gumawa ng nasabing teaser at nakabibilib talaga ang animatronics na gagamitin para sa karakter na si Dakila – ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye.

 

 

Bukod kay Ruru, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Marami talagang exciting shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon!

 

 

***

 

KUNG may isang tao raw na gustong maging close ulit ng aktor na si Benjamin Alves, ito ay walang iba kundi si Chynna Ortaleza.                             

 

Kuwento ng Owe My Love actor na dati silang very close ni Chynna bago ito nagkaroon ng sariling pamilya.                “Dati close kami. We got to work sa Dading, ‘tapos, nagwo-workshop kami lagi. She’s one of the first persons that I was able to really open up to, kasi magka-partner kami sa Dading.                    

 

“’Tapos ayon nga. She has her own family now. Okay naman kami. We’re just not as close as before kasi nga may family na siya.”                                   

 

Wish ni Benjamin na muli silang magkaroon ng connection ni Chynna at maging close friends ulit sila.

 

“Siguro eventually if we’ll be in the same chapter in our lives, na parang if I have a family na rin, we’ll become close again, I’m sure.”

 

 

     ***

 

 

SUMABAK na sa kaniyang unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na To Have And To Hold.

 

 

Bibigyang-buhay ni Carla ang role ni Erica Gatchalian sa bagong series kung saan makakasama niya ang multi-talented Kapuso stars na sina Max Collins (Dominique) at Rocco Nacino (Gavin).

 

 

Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress.

 

 

Komento pa ng isang netizen, “Sa look and aura palang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”

 

 

Ano nga kaya ang magiging papel ni Erica sa buhay nina Dominique at Gavin?

 

Abangan ang To Have And To Hold, soon sa GMA-7.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • SSS balak bawasan interest sa salary, calamity loans

    BABAWASAN ng Social Security System (SSS) ang interest rates na ipinapataw nito sa mga pensioners na may salary/calamity loans upang higit na mapabuti ang serbisyo sa mga ito. “We are reviewing our guidelines on the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program to ­simplify requirements and other verification processes for the convenience of our pensioners,” ayon kay […]

  • Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024

    BAHAGYANG  tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa nitong Marso, batay sa pinakahuling labor force participation survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, naitala sa 3.9% ang unemployment rate o katumbas ng 2 milyong Pilipino na walang trabaho noong nagdaang Marso. Mas mataas ito sa 3.5% unemployment […]

  • SYLVIA, nangingibabaw ang pag-arte kaya kinatutuwaan ng netizens bukod kina ANDREA at FRANCINE

    FIRST few episodes pa lang Huwag Kang Mangamba sa pilot week nito na nagsimula noong March 22 ay pinuri na agad ng netizens ang inspirational drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes bilang Mira at Francine Diaz bilang Joy.     Sa pagsisimula pa lang ng serye, kitang-kita na talaga ang kahusayan nina […]