Technician nakaligtas sa pamamaril ng kapitbahay
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
NAGAWANG makaligtas ng isang 27-anyos na technician sa kamatayan nang mailagan nito ang pamamaril ng kapitbahay na pumasok sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa imbestigasyon ni PEMSgt. Julius Mabasa, alas-9:10 ng gabi, kasama ng biktimang si Kenneth Ordoña, technician ng Globe Telecom Company ang room mates na si George Payton at Louie Dela Cruz, kapwa 29-anyos na nanonood ng television sa kanyang bahay sa Blk 4 Damata St. Letre, Brgy. Tonsuya nang biglang pumasok ang suspek na si Pedro Repol 43, plumber, na armado ng baril saka pinutukan si Ordoña subalit, hindi tinamaan.
Muling pinaputukan nang malapitan ng suspek ang biktima na nagawa namang makailag kaya hindi ito tinamaan.
Bago muling makapaputok ang suspek ay nagawa itong masunggaban nina Payton at Dela Cruz na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang 9mm revolver na kargado ng dalawang basyo ng bala at dalawang deformed bullets.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, inaalam pa nila ang tunay na motibo sa tangkang pagpatay. (Richard Mesa)
-
Job fairs at Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores, bubuksan sa araw ng Labor day – DOLE
MAGDARAOS ng job fair ang pamahalaan at magbubukas ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stores sa 16 na rehiyon sa bansa sa Labor day, Mayo 1 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture. […]
-
US magbubuhos pa ng $500-M na direct budgetary aid sa Ukraine – Pres. Biden
MAGBIBIGAY ng dagdag na direct budgetary aid sa Ukraine ang Estados Unidos na nagkakahalaga ng $500 million. Ipinahayag ito ng White House matapos ang naging pag-uusap nina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky via phone call upang pag-usapan pa rin ang patuloy na pagsuporta ng Amerika sa Ukraine laban sa […]
-
Alex Eala pasok na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis
UMUSAD na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala. Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3. Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro. Susunod na […]