• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teenager na tulak timbog sa P54K marijuana sa Caloocan

BAGSAK sa kulungan ang isang teenager na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Paul Jerrie Lira, 18 ng No. 9021, Saint Catherine St., Barangay 177.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa bahay ng suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano niya ng marijuana.
Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng isang plastic bag ng marijuana ay agad dinakma ng mga operatiba ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ng tatlong medium resealable transparent plastic bags kabilang ang subject of sale at isang large resealable transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 450 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price value P54,000, buy bust money at malaking paper bag.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

    WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.   Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.   Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang […]

  • Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

    INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.     Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.     Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) […]

  • Nag-Balesin dahil free si Gov. Chiz: HEART, nagpa-wow na naman sa mga suot na two-piece swimsuit habang nagpapa-araw

    NAG-POST si Kapuso actress at style icon Heart Evangelista sa kanyang Instagram habang nagpapa–araw sa Balesin Island.     Napa-wow na naman ang netizens sa suot long-sleeved bikini top matched with a bikini bottom at caption ni Heart, “She needed that vitamin sea.”     Sumunod na IG post naman ni Heart ay ang two-piece […]