• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tennis star Alex Eala, umangat pa ang rank sa No. 72 – WTA

UMANI muli ng mga pagbati ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala, kahit wala pa itong hinaharap na bagong laban.

Patuloy kasi ang pag-angat ng Filipina tennis star sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng WTA sa kanilang official site, umakyat si Eala sa rank No. 72, ang pinakamataas na ranggo sa kasaysayan ng kanyang professional career.

Ang 19-anyos na Pinay ay una nang naging usap-usapan dahil sa kaniyang kahanga-hangang semifinal run sa Miami Open.

Doon ay tinalo niya ang tatlong Grand Slam champions, kabilang sina Madison Keys at Iga Swiatek.

Si Eala ay nagsasanay sa Rafa Nadal Academy sa Espanya at nakapagwagi na ng limang ITF singles titles at dalawang doubles crowns.

Ang kaniyang pag-angat sa ranggo ay patunay ng kanyang dedikasyon at husay, na nagbigay sa kanya ng titulo bilang pinakamataas na ranggo na Filipina player sa kasaysayan ng WTA.

Other News
  • ‘Bloodline Art Exhibit’ sa Bulacan, nagbigay-buhay sa mga kwentong henerasyon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’, isang eksibit na pansining na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng sining na ginanap sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Provincial Capitol Compound sa lungsod […]

  • Ikalimang taon na ito ng ‘national treasure’: VICE GANDA, tinanghal uli bilang ‘Most Trusted Entertainment & Variety Presenter’

    KASAMA uli si Vice Ganda sa mga pinagkakatiwalaang personalidad sa 2023 Reader’s Digest Trusted Brands awards.     Tinanghal ang “It’s Showtime” host bilang Most Trusted Entertainment & Variety Presenter, na binanggit ang kanyang likas na kakayahan na magpatawa at mapaiyak ng mga tao, na labis na nakaapekto at nakaiimpluwensya.     “His cultural impact […]

  • LRT-Cavite Extension Phase 1 88% ng tapos

    NAGTALA ng 88 porsiento completion ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Phase 1 matapos ang kalahating taon ng 2023 ng konstruksyon.     Ito ay ayon sa pribadong operator ng LRT Line 1 na Light Rail Manila Corp. (LRMC) kung saan sinabi na optimistic sila na matatapos ang proyekto sa darating na fourth […]