• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022.

 

 

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon sa kanilang website na comelec.gov.ph.

 

 

Hinimok ni Jimenez ang mga napabilang sa naturang listahan na suriin ng husto ang spelling ng kanilang pangalan, at kapag may mapunang kamalian ay kaagad na magsumite ng request para sa corrections.

 

 

Sa tentative list ng Comelec, natukoy na mayroong 97 presidential aspirants, 28 vice presidential aspirants, at 174 naman ang senatorial aspirants.

 

 

Bukod dito, inilabas na rin ng poll body ang tentative list din ng mga kandidato para naman sa local positions at mga tatakbo sa Kamara.

 

 

Ang naturang mga listahan ay ibinase sa initial evaluation ng Certificates of Nomination, Certificates of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance na ginawa ng poll body.

 

 

Nauna nang sinabi ni Jimenez na inaasahang mailalabas ng Comelec ang official list ng mga kandidato sa general elections sa 2022 pagsapit ng Disyembre. (Gene Adsuara)

Other News
  • 519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

    INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins.     Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na.     Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang […]

  • KYLIE, nagulat at nasaktan sa akusasyon ni ALJUR kaya may hamong magkita na lang sa korte

    SA exclusive tell-all interview ni Kylie Padilla kay Jessica Soho noong October 21, na inere naman noong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng estranged husband na si Aljur Abrenica.     Na base sa pinost ng aktor, siya ang unang nag-cheat at sumira sa kanilang pamilya.     Pumayag nga si […]

  • Rome Statute, hindi kailanman umiral sa Pinas- Pangulong Duterte

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nailathala sa Official Gazette ang ginawang paglagda ng Pilipinas sa Rome Statute, nagtatag sa International Criminal Court (ICC), kaya’t maituturing na hindi ito kailanman umiral sa bansa.   “The executive department has no copy. That’s because what happened was from Congress — Congress ratified it — instead […]