• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG

SINAMPAHAN  na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo.

 

 

Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay Teves sinampahan din ng kaso sina Hannah Mae Sumerano Oray, sekretarya ng kongresista; mister nitong si Heracleo Sangasin Oray; Jose Pablo Gimarangan; Roland Aguisanda Pablio; Rodolfo Teves Maturan, at Kyle Catan Maturan.

 

 

Isinagawa ang mga raid sa limang magkakaibang address sa Basay at Bawayan City sa Negros Oriental nitong Biyernes.

 

 

Nabatid na sina Teves, Gimarangan at Pablio ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at sa Law on Explosives (RA 9516) habang “infringement” ng RA 10591 kina Hannah Mae Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

 

 

Nilinaw naman ni PCol. Thomas Valmonte, CIDG legal division chief, na walang sinu­render na mga baril at sa halip ay pawang nakuha sa bisa ng search warrant. Ang mga ito ay walang kaukulang papeles.

 

 

Wala sa mga bahay nang isagawa ang raid si Cong. Teves na kasalukuyang nasa ibang bansa, gayunman ay sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516, kasama sina Kurt Mathew Teves, at Axel Teves.

 

 

Samantala, inaalam na rin ng PNP ang supplier ng baril ni Teves na nagkuha sa raid at sa mga suspek.

 

 

Ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. bawat supplier ay may identified gun dealers.

 

 

Tukoy na ang serial numbers ng mga baril subalit walang dokumento kaya maituturing na loose firearms. (Daris Jose)

Other News
  • Diaz determinado sa Olympics gold

    Imbes na umuwi sa Pilipinas ay babalik si 2021 Olympic Games qualifier Hidilyn Diaz sa kanyang training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia para mu-ling sumabak sa ensayo.     Ito ay dahil determinado ang tubong Zamboanga City na maibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympics.     Pumuwesto sa ikaapat si Diaz sa […]

  • Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence

    Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.     Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito.     Alam daw niya ang kakayahan ng […]

  • Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust

    Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay […]