• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves kinasuhan na ng multiple murder

SINAMPAHAN na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Bago mag-alas-11 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Director Medardo de Lemos bitbit ang mga kahon ng dokumento base sa nakalap nilang mga impormasyon at ebidensya sa ikinasang imbestigasyon sa kaso.
“It’s ongoing. The [National Bureau of Investigation is here already. I was told by Director de Lemos that they are coming over to file the complaint,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na nahaharap si Teves sa 10 bilang ng kasong murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.
Sa pormal na ­pagsampa ng reklamo, bibigyan naman umano ng oportunidad si Teves na maghain ng kaniyang counter-affidavit. Ito ay kung makababalik na sa bansa si Teves na kasalukuyang nagpapa­lipat-lipat umano ng kinaroroonan sa ibang bansa sa Asya.
“He has to come home or they will file the case in court and the warrant will be issued in absentia,” paliwanag ni Remulla.
Una nang sinampahan si Teves ng multiple murder kaugnay ng insidente ng pagpaslang noong 2019 at kasong illegal possession of firearms and explosives. Inumpisahan na rin ang proseso ng pagtukoy sa kaniya bilang isang terorista.
Unang nakatakda na ihain ang kaso laban kay Teves nitong nakaraang Lunes ngunit naantala ito makaraang manahimik umano ang mga nadakip na suspect-witness nang bigla silang bigyan ng pribadong mga abogado. (Daris Jose)
Other News
  • 2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

    Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021.     Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang […]

  • MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21.     Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]