• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘The Big One’ maaaring magkaroon ng death toll na 50,000 —Phivolcs

TINATAYANG 50,000 ang masasawi kapag tumama ang tinatawag na “The Big One” o isang magnitude 7.2 na lindol sa Pilipinas.
Ang “The Big One” ay ang 7.2 magnitude  earthquake sakaling gumalaw ang West Valley Fault sa eastern side ng Metro Manila at karatig lugar nito.
Batay sa pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sakaling gumalaw ang West Valley Fault na tumatahak mula sa taas ng Sierra Madre pababa ng Laguna kung saan ay madadaaanan ang eastern side ng lungsod ng Quezon, western side ng Marikina, western part ng lungsod ng Pasig, eastern part ng Makati at mga bahagi ng Taguig at Muntinlupa posibleng 7.2 magnitude ng lindol ang maaring maranasan ng mga taong  nasa lugar nito.
Sinabi ni PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol, “The Big one in NCR, the expected ground shaking in Metro Manila is intensity 8. Also, we expect residential buildings, around 12 to 13% would sustain heavy damage. ‘Yung 10 to 30-story buildings, around 11% heavy damage. And then, 30 to 60 story buildings, 2%.”
Winika pa rin nito na ang inaasahan naman na casualty ay 33,500. Mayroon pa aniyang injured na 100,000 at karagdagang masasawi dahil sa sunog na 18,000.
Ang mga tao aniya ay hirap nang tumayo.
Gayunman aniya, may mga earthquake generators ang maaaring maging dahilan ng pagyanig sa mas malakas na magnitude, gaya ng sa Gabaldon, Nueva Ecija, na maaaring mayroong magnitude 7.9 earthquake; maaari namang mapektuhan ng Philippine Trench ang Eastern Samar at maging dahilan ng eight- to nine-meter tsunami waves; at ang Manila Trench na maaaring mag- generate ng isang magnitude 8.2 earthquake.
Matatandaang tinamaan ang Pilipinas ng magnitude 8.1 na lindol noong 1976, na ang pangunahing naapektuhan ay Cotabato, nag-iwan ito ng 8,000 kataong nasawi matapos magdala ng tsunami waves. Nangyari ito lampas hatinggabi, nang ang mga residente ay malamang na tulog na at hindi na kayang lumikas.
“If you can feel a shaking na hindi ka na makatayo [that keeps you from standing up], and then if you notice [a] sudden drop of sea level and [a] roaring sound or dumadagundong na boses coming from the sea, then you have to, once the shaking stops, then you have to evacuate immediately to a higher place kasi pwedeng magka-tsunami ,” ang sinabi ni Bacolcol. ( Daris Jose)
Other News
  • Pagmamahalang Jodi at Raymart, maraming masaya at mauwi sana sa kasalan

    FINALE episode na ngayong gabi ng ng I Can See You: Love on the Balcony pero unang gabi pa lang itong ipinalabas, may mga request na ng part 2.   Ang tanong nga lang, magkakaroon pa kaya ng part 2 ang tandem nina Asia’s Multi- media Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith?   Balita kasi […]

  • 19-yr old Carlos Alcaraz ng Spain nagtala ng kasaysayan sa pagkampeon sa US Open 2022

    INILAMPASO ng 19-anyos na Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz ang Norwegian player na si Casper Ruud sa katatapos lamang na US Grand Slam Championship game sa New York.     Sa katunayan ito ang kauna-unahang Grand Slam Singles title ni Alcaraz matapos nitong matalo si Ruud sa score 6-4, 2-6, 7-6(1), 6-3.   […]

  • PNR: Huling biyahe sa March 28

    HIHINTO ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ng limang (5) taon upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR).       Ang huling biyahe mula sa Governor Pascual papuntang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang ay sa darating na March 27. Inaasahang maaapektuhan ang may 30,000 na bilang ng mga pasahero sa […]