• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘The presidency of 2022 was mine already’

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na siya ang dahilan ng kaguluhan ngayon sa pulitika.

 

 

 

Tugon ito ni VP Sara kasunod ng sinabi ni Rep. Jay Khonghun na hindi mangyayari ang gulo ngayon sa pulitika kung hindi nangarap ang bise na maging pangulo nang maaga.

 

 

Giit ni Duterte, ang 2022 presidency ay sa kanya talaga. Nanalo na aniya siya sa surveys at nagkaisa na ang mga tao para sa kanyang kandidatura.

 

 

“The presidency of 2022 was mine already. Nanalo na ako sa surveys, lahat ng tao solid na, united na for my candidacy. Pero I gave it away because I felt I had to do some other things other than being president of the Republic of the Philippines,” paliwanag ni Duterte.

 

 

Una nang naghain si Duterte ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng Davao City. Nang maglaon ay nagbago ang isip niya at nagpasyang tumakbo kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Samantala, tumanggi naman si Duterte na magkomento sa pahayag ni Marcos na hindi siya pabor sa anumang pagtatangka na i-impeach ang bise dahil hindi ito mapakikinabangan ng buhay ng mga Pilipino.

 

 

Tumanggi rin siyang magkomento sa tila pagpayag ni Marcos na makipagkasundo sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • Ortiz nagpapakaabala

    DAHIL nakatengga pa ang mga aksyon sa hard court sanhi pandemiya, nagpapaka-busy naman sa iba’t ibang gawain si Philippine SuperLiga (PSL) star Maika Angela Ortiz.   Nagbibisikleta, nag-ha-hike na rin sa bundok ang 29 na taon, may taas na 5-10 na Chery Tiggo Crossovers middle blocker at many time national volleybelle nito lang isang linggo. […]

  • Pinipilit gayahin ni AiAi pero ‘di nagawa: Tiktok dance ni MARIAN, 80 million views na in four days

    SINUBUKAN lang or sabi nga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Tiktok account, “Try lang,” ang dance niya na “Price Tag,” ang 2011 hit song ng British singer na si Jessie J.     At nag-gain na naman ng kasikatan sa Tiktok sa bago nitong choreography, heto’t sa loob lamang ng […]

  • PBBM, ipinag-utos sa NIA na lawakan ang irrigation coverage sa Occidental Mindoro

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems na sasaklaw ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para palakasin ang agricultural production.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang government assistance […]