• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“There is no patching things up”

SINABI ni Vice President Sara Duterte na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umabot na sila sa “point of no return.”

 

 

“I believe we reached the point of no return and it is clear na [that] they are really going after me,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press briefing.

 

“Gusto nila akong tanggalin sa position,” pagtiyak nito.

 

Sinabi pa niya na target ni House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos ang pagkapangulo.

 

Samantala, matatandaang sinabi ni VP Sara na kumausap na siya ng assassin para itumba ang First Couple na sina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Marcos at Cong. Romualdez sakali’t may mangyaring masama sa kanya.

 

Subalit, nilinaw ni VP Sara na hindi pagbabanta ang binitawan niyang pahayag laban sa First Couple.

 

Sinabi nya na ang mga binitiwan niyang pahayag ay bunga ng kanyang pangamba sa kanyang buhay.

 

Ani Duterte, may mga naririnig siyang banta sa kanyang buhay kung saan siya ay pinag-iingat.

 

At wala aniya siyang dahilan para patayin ang mag-asawang Marcos dahil wala naman syang magiging benepisyo rito.

 

“They can always try na mag-impeachment…They can always gumastos at magwaldas ng pera ng gobyerno para i-impeach ang vice president…Let’s see. If I get impeached, that is my end.

 

Tapos,” dagdag na wika ni VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide

    INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products.     Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%.     “It will be out (price guide)  by the second week of November because not all […]

  • LTFRB: 7,870 slots binuksan para sa TNVS

    Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na libong karagadagan slots para sa transport network vehicle service (TNVS).       Naglaan ng 7,879 slots ang LTFRB para sa karagdagan slots ng TNVS upang lumakas ang operasyon ng TNVS at ng mabiyan ng tamang serbisyo ang mga pasahero.       […]

  • MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra

    DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).   Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional […]