• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Third-party POGO auditor, nakasunod sa lahat ng bidding requirements – PAGCOR

WALA raw nakikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco na iregularidad sa kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Global ComRCI sa ating bansa.

 

 

Sinabi ng third-party auditor na nakakuha sa multi-billion peso contract para sa assessment ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nakasunod daw ang mga ito sa bidding documents.

 

 

Ibig daw sabihin ay malinaw na nakasunod ang mga ito sa lahat ng requirements sa terms of reference.

 

 

Noong Lunes kinuwestiyon ni Senator Sherwin Gatchalian ang kontrata sa pagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at Global ComRCI.

 

 

Isinalarawan ng senador na “spurious” o peke ang bank certificate na inisyu ng Soleil Chartered Bank na nagsasabing ang Global ComRCI ay compliant sa mga requirement na magsisilbi bilang Philippine Offshore Gaming Operators consultant ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

 

 

Pero depensa ni Tengco na lumalabas daw sa pag-aaral ng bids and awards committee (BAC) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na Soleil Chartered Bank ay mayroong mga branches sa malalaking lungsod sa buong mundo gaya ng New York, London at Milan nang isagawa ang bidding para sa third-party auditor.

 

 

Dagdag ni Tengco, binayaran na rin daw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang firm ng nasa P800 million noong 2019 at 2020. (Daris Jose)

Other News
  • JENNYLYN, RURU at JILLIAN, magpapasaya sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw’ ng GMA Regional TV

    GINAGAWANG mas kapana-panabik at hindi malilimutan ng GMA Regional TV ang 87th Araw ng Dabaw dahil dadalhin nito ang pinakamalalaki at pinakamatingkad na Kapuso stars na napapanood ngayon sa mga teleserye.   Nakatakdang magpalaganap ng saya at pagmamahal ngayong Sabado (Marso 16) sa pamamagitan ng Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin, […]

  • DOH, hinikayat ang publiko na ” to stay cool, hydrated” sa gitna ng nagpapatuloy na matinding init ng panahon

    ANG paghahanap ng mga praktikal na paraan para manatiling “cool at hydrated” ay makatutulong sa publiko habang nagpapatuloy ang mainit na panahon hanggang sa susunod na buwan. Sa press briefing ng Task Force El Niño, binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng pananatiling “hydrated.” Kaya nga, mabilis na nagpayo si Herbosa kontra sa […]

  • Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles

    PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan.   “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]