• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.

 

 

Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer saka pinagtulungang apulahin ang sunog.

 

 

Sa ulat, umabot sa pitong pamilya o 35 katao ang naapektuhan ng sunog na inaalam pa ng BFP ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng apoy habang pansamantala namang nanunuluyan sa basketball court ng barangay ang mga apektadong pamilya.

 

 

Kagaad namang nagtungo sa naturang lugar si Mayor John Rey Tiangco upang kamustahin ang kanyang mga kababayan na naapektuhan ng sunog at nagbigay ng tulong na mga pagkain, inuming tubig at hygiene kits, kasama si Cong. Toby Tiangco na nagbigay din ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan.

 

 

“Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga bumbero at mga volunteer, at sa lahat ng mga rumesponde para tumulong na maapula ang sunog”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

“Kasama si Cong. Toby nabigyan na po natin ng mga pangunahing pangangailangan at ayuda ang mga pamilyang apektado. Mag-ingat po tayo parati para manatiling ligtas sa anung sakuna”, paalala niya. (Richard Mesa)

Other News
  • 4 tulak timbog sa buy bust sa Malabon at Valenzuela

    MAHIGIT sa P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang isang High Value Individual Regional Level na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities.     Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa […]

  • 4 patay, 45 sugatan sa Marawi bombing

    APAT  ang kumpirmadong patay habang 45 ang sugatan sa pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium Mindanao State University, Marawi City Linggo ng umaga.     Sa inisyal na report ni PNP-Police Regional Office-Bangsamoro Autonomus Region (PRO BAR Director PBGen. Allan Cruz, tatlo ang dead-on-the-spot habang isa ang namatay sa Amai Pakpak Medical Center. Nasa Code Blue ang […]

  • Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite

    Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.   Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong […]