• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco, nais palawakin ang tech-based programs para sa mga magsasaka

NAIS ni Navotas Representative Toby Tiangco na palawakin pa ang mga programang pang-agrikultura na pinamumunuan ng pamahalaan upang mapalakas ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.

“Embracing technology-driven farming methods is key to strengthening our agriculture sector,” ani Tiangco.

“The government must prioritize equipping farmers with the necessary technology and knowledge to maximize productivity and income potential,” dagdag niya.

Binanggit niya ang tagumpay ng maliliit na water impounding system, fertigation techniques, at drip irrigation sa Hermosa at Dinalupihan Bataan, na nagpabago sa produksyon ng pananim.

“According to the agriculture department, these technologies can cut fertilizer use by up to 70 percent and reduce water consumption by 30 percent,” aniya.

“We need to replicate these programs nationwide. Expanding their reach will help farmers optimize resources and lower production costs,” sabi niya.

Aniya, dapat ding tuklasin ng Department of Agriculture (DA) ang higit pang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mapabuti ang kapakanan ng mga magsasaka.

Binigyang-diin niya ang Digital Farmers Program (DFP) ng DA-Agricultural Training Institute, na nagbibigay sa mga magsasaka ng mga digital na tool, kabilang ang mga smartphone, tablet, at internet access, upang mapahusay ang produktibidad ng agrikultura.

“The lack of access to smartphones and internet is a major barrier to technology adoption among rice farmers,” pahayag ng mambabatas.

The government must invest in programs that give farmers access to digital tools. Bringing public agricultural services online will provide them with valuable data and easier access to government assistance,” dagdag  niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 15, 2023

  • Desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang poll protest ni BongBong Marcos, ginagalang ng Malakanyang

    GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race.   “Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that […]

  • Nagpainit sa campaign video ng underwear brand: Sparkle hunk na si BRUCE, bagong pantasya ng netizens

    ANG Sparkle hunk na si Bruce Roeland ang bagong pantasya ng netizens dahil sa paglabas ng kanyang campaign video para sa underwear brand na Bench Body.     Sa naturang 15-second video on Instagram, suot lang ng dating child actor ay black underwear, cowboy hat at naka-display ang kanyang rock hard abs. Isa si Bruce sa nagpainit sa mga […]