• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury

Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury

IBINUNYAG ni American golf player na si Tiger Woods na sumailalim ito sa operasyon para ayusin ang kaniyang napunit na kaliwang Achilles tendon.

Sinabi nito na isinagawa ang medical operations ni Dr. Charlton Stucken ng Hospital for Special Surgery sa West Palm Beach, Florida.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga hanggang tuluyan na ito ng gumaling.

Hindi naman nagbigay si Woods kung hanggang kailan ito tuluyang magpapagaling ng kaniyang injury.

Mula pa noong Hulyo ng nakaraang taon ay hindi na sumali sa anumang torneo ang 15-time major champion dahil sa injury.

Isang operasyon kasi sa likod ang isinagawa sa kaniya noong Setyembre kung saan matapos ang ilang buwan ay nakasama ang 15-anyos na anak nitong si Charlie na naglaro sa PNC Championship family event sa Florida.

Other News
  • Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’

    IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda.       Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]

  • Cong. Tiangco at Partido Navoteño nag-file na ng COC

      IPINAPAKITA nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama ang buong Partido Navoteño ang kanilang certificate of candidacy (CoC) matapos silang mag-file para sa kanilang kandidatura sa pagka-Congressman at pagka-alkade ng Navotas City. Pinasalamatan ng Tiangco Brother’s ang buong Partido Navoteño sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kanila. Anila, isang […]

  • 8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week

    Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]