Tigilan n’yo si Kai! — Kobe Paras
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Dumepensa si University of the Philippines (UP) standout Kobe Paras sa mga bashers ni Kai Sotto na bumalik na sa Amerika para makasama ang Ignite sa NBA G League.
Kaliwa’t kanan ang batikos sa kampo ni Sotto dahil sa umano’y maling mga desisyon nito patungkol sa basketball career ng 18-anyos na player.
Kaya naman sumaklolo si Paras sa kanyang kaibigan.
Isang mabibigat na salita ang inilatag ni Paras sa kanyang post sa social media upang depensahan si Sotto.
Ayon kay Paras, mas makabubuting suportahan na lamang si Sotto sa mga plano nito at maghintay na lamang ng tamang panahon sa bagong update sa kalagayan nito.
“I will not tolerate any Kai Sotto slander. Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word? Why not just support him and his dreams no matter what?” ayon kay Paras.
Posibleng naka-relate si Paras sa kasalukuyang sitwasyon ni Sotto.
Matatandaang nagtungo rin si Paras sa Amerika para subukan ang kanyang kapalaran doon.
Naglaro si Paras sa iba’t ibang koponan sa Amerika gaya ng Cathedral High School, UCLA, Creighton at Cal State Northridge.
Ngunit nagpasya ito na bumalik sa Pilipinas para maglaro suot ang Fighting Maroons jersey — ang parehong koponan na pinaglaruan ng kanyang amang si Benjie.
Kaya naman naglabas ng saloobin si Paras sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Sotto.
Soplak ang mga bashers, ika nga.
“Most of y’all opinions don’t matter. My guy is 18! How foolish y’all look talking bad about a teen,” ani Paras.
Sa kasalukuyan, nasa Amerika na si Sotto na posibleng sumasailalim sa quarantine protocols bago pumasok sa bubble ng G League sa Orlando, Florida.
Ngunit wala pang pormal na anunsiyo kung nasa loob na ito ng G League bubble.
Kaya’t marami ang nakaabang sa magiging kapalaran ni Sotto — kung makapaglalaro pa ito sa G League suot ang Ignite jersey o tuluyan nang maglalaho ang kanyang pag-asang masilayan sa aksyon sa naturang liga.
-
Online flower shop nina BENJAMIN at CHELSEA, dagsa na ang orders dahil sa Valentine’s Day
SUNUD-SUNOD na raw ang flower orders ng online flower shop ni Benjamin Alves dahil malapit na ang Valentine’s Day. Happy ang bida ng teleserye na Owe My Love dahil naging sulit ang naging investment nila ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato sa kanilang House of Roses flower business. August 2020 nang […]
-
MAINE, halos walang pahinga sa pagti-taping ng tatlong shows; malapit nang bumalik sa ‘Eat…Bulaga!’
SAAN kaya kumukuha ang ilan sa mga showbiz vloggers ng balita nilang wala na raw contract si Phenomenal Star Maine Mendoza sa Triple A (All Access To Artists) ng APT Entertainment. Kaya nagtanong kami sa Triple A kung ano ang totoo at ito ang sagot nila: “Blessed lang talaga ang ating phenomenal star […]
-
Modified coding binalik ng MMDA
Muling pinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding o ang tinatawag na Volume Reduction Program (UVVRP) sa rush hours na magsisimula ng 5:00 hanggang 8:00 ng gabi. Ang mga Metro Manila mayors na siyang mga miyembro ng Metro Manila Council (MC) ay nagkaisang aprobahan ang isang resolusyon na magbabalik […]