Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson.
Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila sa pagka-Pangulo sa darating na election, si Vice ay tahimik lang.
Pero hindi nakalagpas sa pansin ng mga netizens ang suot ni Vice sa It’s Showtime. Trending ang Vice Ganda na hashtag dahil sa pa-shade raw nito.
Una, sa suot na prominente ang kulay na pink at sa white shoes niya na ang lace ay pink at socks sa may mga print na rosas. Given naman na kasi kung kanino ito mga campaign symbols. Binasa namin ang mga comments at halos karamihan ay masaya na Leni Robredo supporter rin daw si Vice. ‘Yung iba naman, parang ine-expect na.
Trending din si Vice dahil iba raw ang energy sa It’s Showtime noong Lunes at tila may pa-shade pa sa isa pang presidentiable na si Bongbong Marcos dahil sa hirit nito sa isang contestant na, “Pekein na lang natin yung diploma mo. May gumagawa niyan. Kilala niyo.”
At saka humirit na lang na, “Sa Recto.”
***
KINAINGGITAN si Marlo Mortel ngayon, lalo na ang mga Army na fans ng BTS dahil sa kasuwertehan niya.
Isa lang naman si Marlo sa mga personal na nakapanood ng “BTS Permission to Dance on Stage” sa Las Vegas. Nanalo siya sa Kumu campaign ng concert ticket, plane ticket to Las Vegas at alam namin, may kasama pang pocket money.
Nang huli naming makausap si Marlo, inamin niyang talagang trinabaho raw siya ng husto ang naturang Kumu campaign para nga manalo siya at personal na mapanood ang bonggang concert na ito ng pinakasikat na Korean boy group.
Ang swerte ni Marlo dahil talagang ang lapit lang niya stage. Nagkita rin sila sa concert ng isa pang diehard Army na si Arci Muñoz.
Sabi ni Marlo sa kanyang mga IG stories, “BTS is something else! It was a beautiful experience.”
***
HULING Linggo na pala ng Little Princess ngayon na pinagbibidahan ni Jo Berry.
At hindi pa man nagtatapos, may mga request na mula sa mga Kapuso viewers ng serye na sana raw, may part 2 pa.
Ni-repost din ni Jo ang mga natatanggap na request.
Alam namin, ang serye na ito ni Jo Berry ang isa sa pinaka-special serye para sa kanya. Ginawa niya ito habang ang dami niyang pinagdadaanan personally, kabilang ang pagpanaw ng kanyang ama na palagi niyang kasa-kasama.
Anyway, iba rin talaga si Jo. Aminin na ang pagiging consistent niya bilang rater talaga. Aba, simula nang magbida siya sa mga serye ng Kapuso network, laging toprater. At ngayon sa Little Princess, kinikilalang isa sa mga toprater ng network ang magtatapos na ngang serye niya.
(ROSE GARCIA)
-
Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan
Muli na namang pumalo ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19). Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre. Ito na ang pinakamalaki sa […]
-
DOTr: Subway Project 26% complete
Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027. “The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the […]
-
CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October
MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez. Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino. Updated nga ni […]