Tim Cone walang babaguhin sa program ng Gilas Pilipinas
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
NAIS panatilihin pa rin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang ipinatupad nitong programa at mga manlalaro sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup sa buwan ng Agosto.
Ito ay kasunod ng mga pagkatalo sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at sa 2nd Doha International Cup.
Sinabi nito na mahalaga na panatilihin ang mga manlalaro kahit na aminado nito ng nahirapan siya sa kawalan ni Kai Sotto na nagtamo ng torn anterior cruciast ligament (ACL).
Giit nito na hindi magbabawas o magdadagdag ang Gilas depende na lamang sa mga kasalukuyang manlalaro nito kung nais nilang manatili sa national team.
Ilan kasi sa balakid kapag nagdagdag ng mga manlalaro ay ang budget ganun din ang oras na pagbiyahe para makapag-ensayo.
Magugunitang matapos ang panalo sa Qatar ay nabigo ang Gilas sa Egypt at Lebanon sa nagdaang friendly game sa Doha.
Maging sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ay bigo sila sa kamay ng Chinese Taipei at New Zealand.
-
VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’
MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’ “Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na […]
-
Pilot tested ng gov’t food stamp program sa 2nd half na ng 2023 – DSWD
SA LAYUNING mapagaan ang kagutuman at kahirapan sa bawat pamilyang Filipino na nabibilang sa “lowest income bracket”, nakatakdang ikasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot-test ng food stamp program nito sa second half ng taon. Ito ang sinabi ni Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang. […]
-
2 estudyante, delivery rider, funeral boy, karpintero kulong sa higit P300K droga sa Caloocan
BINITBIT sa selda ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, […]