Tinalo na ang record ni Elton John: ‘Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, highest-grossing tour
- Published on August 21, 2023
- by @peoplesbalita
ANG ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift ang puwedeng tawagin na “the highest-grossing tour ever” dahil malapit na itong mag-gross ng $2.2 billion sa North America.
Kaya na raw nito matalo ang record ng ‘Farewell Yellow Brick Road Tour’ ni Elton John na nag-gross ng $887 million from 2018 to 2023.
Sold out lahat ng 68 dates ng Eras Tour sa US na ang ticket ay may presyo na $455.78 at ang average attendance per show was 72,459.
Bukod sa ticket sales, kumita rin ang tour sa merchandise, food and drinks. Ang average na gastos ng isang ticket holder ay $214.80 on merch ang $131.48 on food and drinks.
Tinawag nga na “economic phenomenon” si Taylor dahil hindi lang daw ito performer kundi isa rin siyang powerful business entertainer.
***
AFTER ten years ay nagbabalik sa pag-arte sa teleserye sa GMA si StarStruck season 1 First Prince na si Rainier Castillo.
Inamin ni Rainier na tumigil muna siya sa showbiz dahil sobra raw siyang na-stress sa showbiz at mas pinili muna niyang makasama ang pamilya niya.
Dagdag pa niya na may mga tao raw siyang pinagkatiwalaan na parang niloko siya sa negosyo.
Bago nga tumigil sa showbiz si Rainier, wala na siyang kontrata noon sa GMA at gumawa siya ng mgq shows sa TV5.
Ngayon ay balik-GMA siya via ‘Black Rider’ na bida si Ruru Madrid. Kinailangan daw niyang matutong magmameho ng motorsiklo at nag-train sa martial arts.
Tulad ng mga ka-batch niya sa StarStruck, may asawa’t anak na rin si Rainier. Sana raw ay magkasama-sama ulit silang batch one para sa 20th anniversary nila.
Binalikan nga ang dating issue kay Rainier dahil pinagsabay niyang gawing girlfriend sina Sheena Halili at Stef Prescott. Nagkaroon pa nga noon ng pag-uusap ang dalawang babae dahil di nila alam na syinota sila ng iisang lalake.
Katwiran ni Rainier na dahil sa kapusukan ng kabataan niya kaya nagawa niyang manligaw ng dalawang babae ng sabay.
“Gusto ko lang po masubukan noong mga panahon na ‘yun, tapos siguro curious ako kung anong pakiramdam, pero mahirap din pala. Mahirap ‘yung time management, hindi puwedeng isa lang ‘yung cellphone mo, dapat magkaiba yan,” sey ni Rainier na noon pa nag-sorry sa ginawa niya kina Sheena at Stef na parehong may sariling pamilya na ngayon.
***
NAGLUKSA ang mga nakatrabaho ng veteran actress na si Angie Ferro na pumanaw sa edad na 86 noong August 17.
Taong 2022 noong maospital si Angie dahil sa isang aksidente. Bago iyon ay ilang beses ding na-stroke ito.
Pinanganak noong August 4, 1937 in Baleno, Masbate, nakilala si Angie sa pagganap niya sa iba’t ibang roles sa TV, pelikula at entablado. Noong 1979, nagwagi si Angie ng FAMAS Best Supporting Actress para sa 1979 Celso Ad Castillo film na Pagputi ng Uwak, Pagputi ng Tagak.
Ilan sa mga memorable performances ni Angie sa pelikula ay sa Atsay, Lumuha Pati Mga Anghel, Patayin Sa Sindak si Barbara, Isang Gabi Tatlong Babae, Roberta, High School Circa ‘65, Isla, Magdusa Ka, Kasalanan Bang Sambahin Ka, Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino, Lola Igna at ang huling pelikula niya na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.
Sa TV ay lumabas siya sa Amaya, Hiram Na Puso, Luv U, Someone To Watch Over Me, at Kambal Karibal.
(RUEL J. MENDOZA)
-
A SPIDER FOR EVERY ‘VERSE’: MEET THE SPIDER-PEOPLE IN “ACROSS THE SPIDER-VERSE” (PART 2)
ARE you ready to watch Spider-Man: Across the Spider-Verse? Get to know the Spider-People you’ll meet in the sequel. The highly anticipated second film in the Spider-Verse trilogy opens across Philippine cinemas May 31. Watch the film’s final trailer: https://youtu.be/yEU_jRepaQg Pavitr Prabhakar is Spider-Man India “Pavitr’s powers came through magic, so he is quite […]
-
Higit P.4M droga, baril nasabat sa 4 drug suspects sa Caloocan drug bust
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.4 milyong halaga ng droga at isang baril sa apat drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust buy bust operation sa Caloocan City. Ani District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson […]
-
POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games
Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games. Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China. Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 […]