Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,604,040
- nagpapagaling pa: 106,160, o 4.1% ng total infections
- bagong recover: 16,523, dahilan para maging 2,459,052 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 61, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 38,828
50% vaccination next month?
- Nadagdagan naman ng nasa 21 pang kaso ng labis na nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas, bagay na nanggaling daw sa mga samples na Abril hanggang Hunyo pa raw kinuha. Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mababa ang bilang ng mga nasabing Delta infections dahil sa kakaonti pa lang ito noong mga nakaraang buwan.
- Pumatak naman na sa 8 milyong katao sa Pilipinas ang nakakukuha ng kumpletong proteksyon mula sa COVID-19 vaccinesayon sa pinakahuling talaga ng gobyerno. Ito’y matapos tagumpay na makapagturok ng 46.38 doses ng bakuna sa bansa simula Marso.
- Pagtataya ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kanina sa briefing ng Palasyo, tinatayang hihigit sa 50% na ng populasyon ang mararating ng COVID-19 vaccines pagdating ng Nobyembre.
- Kaugnay niyan, sinabi naman ni presidential spokesperson Harry Roque na nasa 75% na ng populasyon ng Metro Manila ang fully vaccinatedlaban sa kinatatakutang virus.
- Samantala, magsisimula naman na sa anim na pilot hopspitals sa ika-15 ng Oktubre ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga menor de edad na may comorbidites. Sakop ng uunahing may mga karamdamang bata ang 11 sakit na tinukoy ng DOH.
- Umabot na sa 233.5 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 4.77 milyong katao. (Daris Jose)
-
Meet the Characters of Kevin Costner’s Western Epic “Horizon: An American Saga”
Discover the characters and story of Kevin Costner’s latest Western epic, “Horizon: An American Saga.” Dive into a tale of adventure, survival, and the American Civil War era.Academy Award-winner Kevin Costner’s latest directorial effort, his passion project “Horizon: An American Saga,” is set to open in Philippine cinemas on June 28, the same day as […]
-
Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang
NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna. “Ang detalye […]
-
TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST
NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]