• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinanggihan din na tumakbong Senador: VILMA, umaming apat na beses na inalok na mag-Vice President

PERSONAL na dumalo ang Star for All Seasons sa inorganisang Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) na ginanap sa UST.

 

 

Si Professor Augusto Antonio Aguila ng College of Liberal Arts ang the man behind sa nasabing proyekto kung saan ipinalabas ang mga restored movie ni Ate Vi na kagaya ng ‘Dekada 70′, ‘Ekstra’, ‘Bata, Bata Paano Ka Ginawa’ at ‘Tagos ng Dugo’.

 

 

Nang hapon na yun kung saan dumalo si Ate Vi ay ang pelikulang ‘Dekada 70’ ang ipinalabas.

 

Sa totoo lang kahit more than 20 years nang maipalabas ang nabanggit na movie directed ni Chito Roño ay napapanahon pa rin at parang akma pa rin sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.
Nagkaroon naman ng “talk back” after napanood ng lahat ang movie.

 

Game naman si original grand slam actress sa mga tanong ng mga istudyante ng University of Sto. Tomas at ng ilang movie press.

 

Deretsahang inamin ng bida ng pang-MMFF movie na “Uninvited“ na apat na beses siyang inalok para tumakbong Vice President noon.

 

Sina dating Pangulong Gloria Arroyo, Sec. of Defense Gibo Teodoro ay ang dalawa sa mga nag-alok sa kanya to run for Vice President. Pero tinanggihan lahat ng premyadong aktres at politician, pati na ang kung ilang beses na pag-alok sa kanya na tumakbong senador.

 

Katwiran pa ni Gov. Vi na ang Paglilingkod ay Hindi para sa kung anong posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang pinaglilingkuran.

 

Mas pinili pa rin na tumakbong gobernador ni Ate Vi para sa mga Batangueños at may mga project pa rin siya na tatapusin para sa mga ito.

 

***

 

SAMANTALA, tuwang-tuwa ang mga Thomasians lalo na ang mga GenZ sa mga sagot ni Ate Vi. At sa kuwento ng aktres sa mga naging karanasan niya sa paggawa ng pelikula at kung paano ang pamumuno niya sa probinsiya ng Batangas.

 

Kumbaga, ang daming lessons daw na natutunan nila sa itinuturing ng lahat na icon ng industriya ng pelikula.

 

Sabi pa nga nang nakausap naming mga grupo ng istudyante iba raw pala talaga magsalita si Ate Vi, kagagalang-galang at dapat mong bigyan ng respeto.

 

Sa totoo lang din naman si Ate Vi ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Lipa at kauna-unahang gobernador ng Batangas.

 

Kilala naman natin ang tapang ng mga Batangueño pero pag si Ate Vi ang magsalita lahat sila nakikinig.

 

Dagdag pa rin ni Ate Vi, first and for most priority pa rin niya ang pamilya na kaya raw siya naging effective na public servant dahil naging mahusay siyang ina nina Ryan at Luis at asawa ni Sec. Ralph Recto.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Sibuyas, nangungunang smuggled product sa Pilipinas – PNP

    INIHAYAG ng PNP na sa kabila ng iba’t-ibang mga pekeng produkto, ang pinakamaraming smuggled products na naitala sa Pilipinas ay produkto ng mga sibuyas.     Iniulat ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na P137.6 milyong halaga ng sibuyas ang naipuslit sa bansa mula noong 2019.     Aniya, mula Enero 2019 hanggang Abril […]

  • Ads March 28, 2024

  • Maynila lugmok sa utang!

    MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.     “Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng […]