• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinawag na ‘hot mama’ at ‘hot lola’ ng mga netizens: JACKIE LOU, kaya pa ring makipagsabayan sa mga sexy young stars

KAYA pa ring makipagsabayan ni Jackie Lou Blanco sa mga seksing young stars ngayon.

 

Kelan lang ay nilantad ni Jackie ang beach bod sa isang Instagram photo kunsaan suot niya ay isang black halter top at red bikini bottom.

 

Pinakita ng actress-singer-TV host ang kanyang abs at nilagyan niya ng caption ang photo ng “Mag-pose ala Baywatch daw. 1st photo: Kaya pa. 2nd: In action naman! 3rd: Di ko na kaya, tawang tawa na ako. Kidding aside, so happy I got to rest and relax this weekend, this was just so much fun! Just the way I always like it.”

 

Maraming netizen ang namangha sa ganda pa rin ng katawan ni Jackie. May mga netizen na tinawag si Jackie na HOT MAMA at yung iba naman ay HOT LOLA.

 

Hindi nagpabaya si Jackie sa kanyang katawan simula noong sumali at manalo siya sa Slimmer’s World Great Bodies Competition noong 2001. At 21 years later, maintained ni Jackie ang well-toned body niya sa edad na 58.

 

Kasalukuyang napapanood si Jackie bilang si Sandra Yoon sa GMA drama series na ‘Start-Up PH’ kunsaan bida sina Alden Richards at Bea Alonzo.

 

***

 

IDOLO pala ni Rere Madrid si Katrina Halili at ang pagiging kontrabida nito sa mga teleserye and gusto niyang matularan.

 

Sa afternoon series na ‘nica Hija’, isa si Rere sa kontrabida ni Kate Valdez.

 

“Hindi po ako mapanakit, mahilig lang ako magsabi ng masasakit na salita kay Hope. Gano’n lang ‘yung role ko dito and, ayon, pa-sexy rin. Paiba-iba ang ugali rito ng character kong si Aica. Kailangan akong maging mabait, kailangan akong maging masungit, maging mataray, ‘yung mga gano’n,” sey ni Rere.

 

Nag-enjoy daw si Rere sa pagganap niya bilang kontrabida sa teleserye na ‘To Have and To Hold’. Kaya ang peg daw niya sa pagiging kontrabida sa ‘Unica Hija’ ay ang co-star niyang si Katrina.

 

Hindi nga naman makakalimutan ang mga iconic kontrabida roles ni Katrina sa mga teleserye na ‘Marimar’, ‘Darna’, ‘Munting Heredera’, ‘Rosalinda’, ‘Beauty Queen’, ‘Destiny Rose’, ‘D’ Originals’, ‘Sa Piling Ni Nanay’ at ‘The Stepdaughters’.

 

Bago pa gumanap sa mga mababait na role si Katrina, nakilala muna siya sa kanyang kontrabida roles tulad nina Angelika Santibañez ng ‘Marimar’ (2007), Black Darna sa ‘Darna’ (2005), at Valentina sa 2009 version ng ‘Darna’.

 

***

 

PINAKILALA na sa publiko ng legendary diva na si Cher ang kanyang boyfriend na isang music executive na si Alexander “AE” Edwards.

 

Cher is 76 samantalang 36 lang si AE. Kaya may 40 year age gap sila na ginagawang issue ng ilang netizens.

 

Sa isang tweet, pinagtanggol ng Oscar winning actress ang kanyang boyfriend at hindi raw problema sa kanila ang apat na dekadang age gap.

 

“LOVE DOESN’T KNOW MATH, IT SEES. Rinpoche told me, ‘Some people meet, others recognize,” tweet pa niya.

 

Nagkakilala ang dalawa noong nakaraang Paris Fashion Week last September. Katrabaho raw nito ngayon ay ang rapper na si Tyga sa independent label nito na Last Kings Records, May 3-year old son din daw ito sa model na si Amber Rose. Noong 2021 pa raw naghiwalay ang dalawa.

 

Aware din daw si Cher na may history of cheating on other women si AE. Pinaalam niya sa netizens na hindi raw siya mabubulag dahil sa pag-ibig.

 

Tweet pa ni Cher: “BABE ENGLISH IS MY FIRST LANGUAGE. I’M IN NOT BLINDED BY IT. KNOW WHAT I KNOW … SMOKE DOESN’T ALWAYS MEAN FIRE. As we all know … I WASN’T BORN YESTERDAY, What I know for sure, there are no guarantees. Anytime you make a choice, you take a chance. I’ve always taken chances … it’s who I am. I’m not defending us. Haters are gonna hate … Doesn’t matter that we’re happy and not bothering anyone.”

 

Kinasal si Cher sa dalawang lalake: Sonny Bono (1964 to 1975) and to Gregg Allman (1975 to 1979). Naka-date naman niya ang ilang Hollywood actors na mas bata sa kanya tulad nila Val Kilmer, Tom Cruise and Rob Camilletti.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024

    BAHAGYANG  tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa nitong Marso, batay sa pinakahuling labor force participation survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, naitala sa 3.9% ang unemployment rate o katumbas ng 2 milyong Pilipino na walang trabaho noong nagdaang Marso. Mas mataas ito sa 3.5% unemployment […]

  • ‘Di na sila maaapektuhan pag may lumabas na isyu: TONTON, itinangging ‘on the rocks’ ang relasyon nila ni GLYDEL

    NANGUNGUNA sa listahan ng mga kontrobersiya sa showbiz ang tungkol sa hiwalayan ng mga mag-asawa at magkarelasyon.     Tulad ng balita, na wala pang kumpirmasyon, na hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, at ang much-talked about hiwalayan nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla.     Nakabitin pa rin ang isyu tungkol kina […]

  • BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso

    WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar.     Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa  P54.47 ang piso kontra dolyar.     Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon.   […]