Tinawanan pa nang sitahin kaya lalong nag-init ang ulo… Broadway Legend na si PATTI LUPONE, may mga tinalakan dahil sa pagsusuot ng facemask
- Published on May 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATIKIM ng talak ang dalawang tao mula sa Broadway Legend na si Patti Lupone dahil ayaw nilang ayusin ang pagsuot ng kanilang facemask habang nasa loob sila ng American Theatre Wing.
Ayon sa two-time Tony Award-winning actress, sinita na raw niya ang dalawa tungkol sa kanilang facemask habang nasa entablado siya para sa Q&A kasama ang cast ng Broadway revival ng Company. Pero tumawa lang daw ang dalawa kaya lalong nag-init ang ulo ni Lupone.
“Who do you think you are? Just put your mask over your nose. That is the rule. If you don’t want to follow the rules, get the f— out!” talak pa ni Lupone.
Singot daw siya ng isa ng: “I pay your salary.” at sinagot naman siya ni Lupone ng: “You pay my salary? Bullshit! Chris Harper pays my salary!”
Napilitan ang palabasin ang dalawa ng security dahil sa hindi pagsunod sa safety protocol ng venue.
Kuwento ng isang eyewitness: “Patti had politely asked them to lift their masks several times. They just kept shaking their heads at her. That’s when she hit a breaking point, taking the mic, stopping the panel, and demanding they follow the rules. These people were so rude.”
Na-shutdown ang Broadway for 18 months dahil sa pandemic. Nagkasakit din si Lupone with Covid-19 kaya ayaw niyang maulit iyon dahil lang sa dalawang taong ayaw sumunod sa safety protocol ng venue. Kahit na raw na-lift ang pagsuot ng mask sa New York City, required pa rin daw ang audience to wear a facemask inside theaters para maprotektahan ang actors, musicians, crew members and staffers na mahawa sa virus.
May reputation si Lupone na titigil sa kanyang performance kapag may isang audience na nakaka-distract sa performance nito. Meron na siyang sinigawan dahil may kumuha ng photos na bawal gawin. May isa naman na kinuha niya ang cellphone dahil nagte-text ito.
Kinampihan si Lupone ng buong staff ng Company: “She is also a fierce advocate for the entire theatrical workforce. We stand with Patti and support her efforts to keep our entire community — from patrons to ushers, cast to stage crew — safe and healthy so we can keep Broadway open.”
Kilala si Lupone sa pagganap niya sa hit Broadway musicals na Evita, Gypsy, Les Miserables, Sunset Boulevard at Sweeney Todd.
(RUEL J. MENDOZA)
-
China, palalakasin ang pagkilos sa South China Sea- eksperto
INAASAHAN na ng isang international security expert na hindi magtatagal ay mas lalong palalakasin at paiigtingin ng China ang pagkilos nito sa South China Sea. Layon ng magiging pagkilos ng China ang makontrol ang malaking bahagi ng pinagtatalunang katubigan. Matatandaang, kamakailan lamang ay naging matagumpay ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas […]
-
Walang trabaho sa Pilipinas bumaba sa 1.18-M pero ‘job quality’ hindi gumanda
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%. “[This is] lower than the unemployment rates in November […]
-
Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor
Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad. Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay […]