• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiniyak ni PBBM: China, hindi pipigilan ang mga Pinoy na mangisda sa West PH Sea

PUMAYAG ang bansang Tsina na mangisda ang mga Filipinong mangingisda sa  West Philippine Sea.

 

 

Apektado na kasi ang ikinabubuhay ng mga mangingisdang Filipino dahil sa presensiya ng Chinese maritime forces sa pinagtatalunang lugar.

 

 

Tinuran ng Chief Executive na  bahagi ng kasunduan ng Manila at Beijing, hindi umano pipigilan ng China ang mga Pinoy na mangisda sa kabila ng usapin ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

 

 

“Actually, I don’t know how the word partnership started to be used. It’s really an agreement that you will… that China will not stop our fishermen from fishing,” ang pahayag ng Pangulo sa isang panayam.

 

 

“They will continue to allow our fishermen to fish in the fishing grounds that they have been to, they have used for many generations. That’s it. It’s that simple,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ng  nagbitiw na si National Security Adviser Clarita Carlos, na sinusuri ng pamahalaan ang mungkahing partnership ng China sa Philippine fishing villages. Pinalagan ng Pangulo ang pahayag na ito no Carlos.

 

 

Magugunitang, nagsagawa si Marcos ng three-day visit sa China noong Enero 3 hanggang 5, at kabilang sa mga tinalakay niya kay President Xi Jinping ng China, ang usapin ng mga Pinoy na nangingisda sa West Philippine Sea.

 

 

Ayon kay Marcos, nangako si Xi na “that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds.”

 

 

Nagkaroon din umano ng kasunduan ang dalawang bansa na bubuo ng isang communication mechanism sa maritime issues na kabibilangan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China. (Daris Jose)

Other News
  • Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno

    MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo.     Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at […]

  • May 1 pang dapat gawin para makalaro si Abueva

    KINUMPLETO na lahat ni Calvin Abueva ang requirements sa kanya ng Philippine Basketball Association o PBA upang maalis ang indefinite suspension na nagsimula noon pang Hunyo 2019.   Pero may isang kailangan pang tuparin o isagawa ang PBA star, na pinagkakatanggi-tanggi lang kamakalawa ni professional league Commissioner Wilfrido (Willie) Marcial kung ano pa ang bagay […]

  • 78% ng isolation facilities sa NCR, okupado na

    Okupado na ang nasa 78 porsyento ng mga isolation facilities sa National Capital Region (NCR) kabilang ang mga “qua­rantine hotels” at “temporary treatment facilities”.     Ito ang inihayag ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kasabay ng pana­wagan niya na madagdagan na ang mga isolation facilities sa rehiyon.     “If we have […]