• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TIPID TUBIG

NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng dalawang water concessionaires, magtipid sa paggamit ng tubig.

 

Nagpahayag na noon ang dalawang water concessionaires na maaaring magpatupad sila ng rotational service interruptions. Sabi nila gagawin ito para hindi agad maubos ang tubig at umabot hanggang sa summer ng 2020.
At mukhang tama ang kanilang sinabi sapagkat ngayon pa lang, pababa pa nang pababa ang level ng tubig sa mga dam. Malabo nang magkaroon pa ng pag-ulan at hindi na maabot ng Angat Dam ang target na 212 masl.

 

Bagama’t may mga dumaang bagyo sa bansa noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon, hindi nakasapat para mapuno ang dam. Kahapon, may namataang low pressure sa Mindanao pero ayon sa PAGASA, malabo itong maging bagyo.

 

Kung magpapatuloy pa sa pagbaba ng level ang tubig sa mga dam, talagang makakaranas ng kawalan ng tubig ang mga lugar na sinusuplayan ng Maynilad at Manila Water. At maaaring maulit ang senaryo noong nakaraang Marso na maraming residente ang nawalan ng suplay ng tubig.

 

Ang pagtitipid at paghihinay-hinay sa paggamit ng tubig ang nararapat gawin ng mamamayan. Bawasan ang paggamit na kadalasang natatapon lamang. Hindi dapat mag-aksaya sapagkat walang ibang kawawa sa dakong huli kundi ang mamamayan na rin mismo. Pangunahan naman ng pamahalaan ang pagtitipid sa paggamit ng tubig. Inspeksiyunin naman ng Maynilad at Manila Water ang mga tubo na may leak at nasasayang ang tubig.

Other News
  • Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

    SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.     Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).     Ito ang ikaanim na sunod na arangkada […]

  • Pinay boxer Petecio ‘parang nanalo na’ matapos umusad sa semis sa Olympics

    Labis ang pasasalamat ni Filipino boxer Nesthy Petecio dahil sa nakatunton na ito at sumasabak sa 2020 Tokyo Olympics.     Matapos kasi ang tatlong panalo nito ay tiyak na ang bronze medal nito nang umabanse na siya sa featherweight division semifinals.     Sinabi nito na hindi niya maipaliwanag ngayon ang nararamdaman dahil sa […]

  • Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero

    MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.   May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! […]