Tiu Laurel, ipinag-utos sa BFAR na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng Bataan oil spill
- Published on August 2, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan.
Sinabi ni Tiu Laurel , kasalukuyan na ngayong Ina-assess ng BFAR ang mga nasirang lugar upang madetermina ang uri at lawak ng tulong na ipagkakaloob sa mga apektadong mangingisda.
Nakipag-ugnayan na ang BFAR sa third-party laboratories para suriin ang water samples sa paligid ng tumaob na motor tanker para madetrmina ang presensiya ng langis at grasa, kabilang na ang mapaminsalang contaminants gaya ng polycyclic aromatic hydrocarbons.
“For now, we can only give fuel vouchers so fishermen can go to nearby fishing grounds,” ayon kay Tiu Laurel.
“I also asked BFAR to coordinate with DSWD (Department of Social Welfare and Development) so the agency can also give food packs to affected fisherfolk,”dagdag na pahayag nito.
Tinuran pa n Kalihim na magbibigay din ang BFAR ng dispersants para makatulong na maayos ang tumagas na langis mula sa MT Terranova, lumubog sa may Bataan noong Hulyo 25.
Ang MT Terranova ay may kargang 1.4 million litro ng industrial fuel nang ito’y tumaob. (Daris Jose)
-
Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM
PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]
-
Ads June 28, 2021
-
Drivers, conductors, at dispatchers, salagan mula sa hidwaan sa pagitan ng LTFRB at bus operators
PAHAYAG ito ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares kasabay nang paggiit na tapusin at resolbahin ng transportation officials ang nakakalungkot na kalagayan ng mga drayber at konduktor na patuloy na hindi nakakatanggap ng kanilang sahod. Sinisi ng mga bus companies ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagkaka-delay sa sahod habang […]