• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TNT lalapit sa finals

LALAPIT ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa pagdakma sa championship ticket, habang mag-uunahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa 2-1 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series.

 

 

Hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semis showdown, sasagupain ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Three ngayong alas-7:30 ng gabi sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.

 

Tinalo ng TNT ang Rain or Shine sa Game One, 90-81, at sa Game Two, 108-91, para makalapit sa pang-23 finals appearance target ang ika-10 korona.

 

“We can’t take our foot off the pedal,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes sa serye nila ng Elasto Pain­ters. “It’s nice to be up 2-0, but it takes four (wins) to get to the next stage.”

 

 

Muling aasahan ng TNT sina import Rondae Hollis-Jefferson, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jayson Castro at Henry Galinato katapat sina reinforcement Aaron Fuller, Beau Belga, Jhonard Clarito, Andrei Caracut at Adrian Nocom ng Rain or Shine.

 

 

Naniniwala si Elasto Painters’ mentor Yeng Guiao na makakaisa sila sa Tropang Giga.

 

 

“When you’re down 0-2, survival mode ka na. We just want to win one game and hope the momentum shifts,” ani Guiao.

 

Paglalabanan naman ng Beermen at Gin Kings ang 2-1 lead sa kanilang serye sa alas-5 ng hapon.

 

 

Inangkin ng Ginebra ang Game One, 122-105, bago nakatabla ang San Miguel sa Game Two via overtime, 131-125.

 

 

Sasandigan ng SMB sina import EJ Ano­sike, eight-time PBA MVP June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter at Terrence Romeo na nagsalpak ng siyam sa kanyang 26 points sa extension.

Other News
  • Mga fans ‘bumaha’ sa kalsada ng San Fransciso

    BUMAHA ang mga fans sa mga kalsada ng San Fransisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.     Hindi napigilan ng mga players ng Warriors na bumaba sa kanilang bus upang makisalamuha sa crowd na matagal na oras […]

  • Ads September 11, 2024

  • Dahil sa second chances at balikan nila ni Bea: DENNIS, inihalintulad ang love story nila ni JENNYLYN sa upcoming series

    MARAMING na-excite nang mag-post sa kanyang Instagram si Andrea Torres ng trailer ng upcoming Kapuso teleseryeng “Love Before Sunrise” na pinagtambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.       Kontrabida ang role ni Andrea sa serye na malapit nang mapanood this September 25 sa GMA-7.     Nag-react ang mga netizens sa confrontation scenes nina […]