TNT pasok na rin sa semis matapos talunin ang Eastern 109-93
- Published on February 8, 2025
- by Peoples Balita
PINAUWI na ng TNT Tropang Giga ang guest team na Eastern Hong Kong 109-93.
Dahil sa panalo ay nag-martsa na ang TNT sa semifinals ng PBA Commissioners cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang Tropang Giga na mayroong 31 points, 15 rebounds, apat na assists at tatlong steals.
Habang mayroong 18 points, apat na rebounds si Rey Nambatac at 15 points naman si Poy Erram.
Nagtabla pa sa 70-all ang laro sa third quarter hanggang tuluyang nakaabanse ang TNT at nakuha ang kalamangan.
Hindi naman umubra ang 24 points ni Hayden Blankley at 16 points, walong rebounds naman ni Cameron Clark para sa Eastern.
-
Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat
Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant. “Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagdating sa tangke dito sa […]
-
Ads March 9, 2021
-
Deklarasyon ng food security emergency, ikakasa sa Enero 22- DA
INAASAHAN na idedeklara ng Department of Agriculture (DA) ang food security emergency sa Enero 22, ng taong kasalukuyan, araw ng Miyerkules. “Ang expectation by Monday, mare-receive na ng DA ‘yung kopya ng resolution ng approval ng recommendation na mag-declare nga ng food security emergency,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa […]