• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

To celebrate her 40th anniversary: Queen of Pop na si MADONNA, isiniwalat na may 35-city tour

MALAKI ang pinagbago ni Lexi Gonzales ngayon mula sa kanyang pagkilos at pag-aayos ngayon.
Malayung-malayo sa Lexi na neneng-nene pa noong sumali ito sa ‘StarStruck’ noong 2019.

Ang pakikipagrelasyon daw ni Lexi kay Gil Cuerva ang dahilan kung bakit mabilis itong nag-mature. Pero sinabi ni Gil na noong nakilala raw niya si Lexi ay mature na ang pag-iisip nito.

“I have nothing to do with Lexi’s maturity. It’s all her. Noong una kong makilala si Lexi, she was not like other girls na kaedad niya. Mature na siyang mag-isip talaga. Ngayon lang natin siya nakikitang nagbu-bloom into the woman she is meant to be,” sey ni Gil.

Sey naman ni Lexi na mabilis daw siyang nag-mature dahil sa situwasyon ng pamilya niya. Kailangan daw niyang magtrabaho ng maaga para makatulong sa mga araw-araw nilang gastusin.

“To work po at an early age, nakaka-mature po siya. While other girls my age ay chill lang na nag-aaral at namamasyal kunsaan-saan, ako po, I had to work for my family.

“No regrets naman po because I grew up very fast. Na-discover ko agad yung hirap na magtrabaho para maalagaan mo ang pamilya mo. And to take on some responsibility at a very young age. It’s something that made me who I am today.”

Kaya bagay na bagay kay Lexi ang role niya sa Underage bilang nakakatandang kapatid na handang ipagtanggol ang kanyang mga kapatid. May mga eksena raw sila ni Gil sa teleserye na mabibigat at kailangan nilang magsigawan.

Kapag may ganung eksena raw, pinapabayaan muna ni Gil na mag-concentrate si Lexi para lumabas ang husay nito sa pag-arte.

“I give her space to focus on her character. Ayokong maging distraction sa kanya. Lexi gives out her best all the time kaya kapag may eksena kami, handa rin ako kasi ang husay niya talaga,” papuri pa ni Gil kay Lexi.

***

GINAWA nang official nila Carla Humphries at Wil Dasovich ang kanilang relasyon na matagal na yatang alam ng ilang mga taong malapit sa kanila.

Sa pamamagitan ng vlog ni Wil, ni-reveal na ng dalawa ang tunay na status ng kanilang relasyon. May title ang vlog na “Dear Wil, may aaminin ako…”

Gumawa ng letter si Carla para kay Wil at pinakita pa niya ang pagiging emotional niya sa sandaling iyon. ito ang nilalaman ng video ni Carla: “Since everyone has been wondering what we mean to each other, I figured I should tell you in my own words. Looking back at all our adventures, you’ve been extremely instrumental in me reintroducing myself into the world. Thank you for all the videos, Beshy.”

Noong July 2022 nang biglang ma-link romantically si Carla kay Wil. That time ay matagal nang hiwalay si Wil sa ex-girlfriend nitong si Alodia Gosiengfiao. Naghiwalay sila noong November 2021.

Agad na pinakilala ni Wil si Carla sa kanyang pamilya. Pero pinakilala niya si Carla bilang best friend niya. Nagko-collab kasi ang dalawa sa paggawa ng mga videos para sa kanilang vlogs.

Dahil sa ginawang pag-amin ni Carla ng pagmamahal niya kay Wil, matatapos na siguro ang mga nagtatanong tungkol sa tunay estado ng relasyon nila.

***

MAGBABALIK sa pag-tour ang Queen of Pop na si Madonna para sa pag-celebrate niya ng higit na 40 years sa entertainment industry.

Siniwalat ni Madonna na ang kanyang The Celebration Tour ay may 35-city dates na magsimula sa July 15. Mag-kick off ang tour sa Vancouver, Canada at susunod ang mga cities ng Detroit, Chicago, Miami and New York. Ito ang mga lugar kunsaan nagsimula ng kanyang pagiging entertainer si Madonna.

Kasama rin sa tour ng 64-year old singer ang ilang cities sa Europe tulad ng London, Barcelona and Paris, at ang final show ay sa Amsterdam on December 1.

“I am excited to explore as many songs as possible in hopes to give my fans the show they have been waiting for,” sey ni Madonna.

Sasamahan si Madonna sa kanyang tour ng ilang performers tulad nila Diplo, Jack Black, Lil Wayne and Bob the Drag Queen, who will accompany her on the tour.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Series of photos nila ni MATTEO: SARAH, kitang-kita na wala pa ring baby bump

    PINUSUAN ng netizens ang series pf photos sa social media ng bakasyon ng mag-asawang Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli sa Tanay, Rizal.     Ngayon lang daw kasi ulit nilang nakitang magkasama ang dalawa after ng kanilang Christmas special noong nakaraang December.     Enjoy ang dalawa sa horseback riding at pagsakay sa motorsiklo habang […]

  • PBBM, binigyang direktiba ang lahat ng ahensiya ng pamahalan at LGUs

    IPINALABAS ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang Memorandum Circular No. 26, nagpapatibay sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040, binigyang direktiba at hinikayat ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs)  na suportahan ang  inisyatiba sa pamamagitan ng pagtatayo ng health facilities para sa kanilang nasasakupan.     “The PHFDP 2020-2040, […]

  • Thankful at nawindang ng bongga sa pagpayag na mag-guest: ICE, inaming malakas ang loob na mag-ala-REGINE ‘pag lasing

    INISA-ISA nga ng OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang sunud-sunod na Facebook at Instagram post ang mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap na ngayong October 15 sa The Theater at Solaire.     Para kasi sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na […]