• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa P/Col. Ramchrisen Haveria Jr sa Gen. T De Leon Road, Brgy. Gen T. De Leon kontra kay Ronquel Andy Beltran alyas “Oneng”, 32 ng 35 Pinagpala St., Serrano Subd., Marulas.

 

 

Nagpanggap na buyer ng iligal na droga si PCpl Dario Dehitta na nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P1,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Beltran ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng drga ay agad lumapit ang back up na si PCpl Randy Canton at inaresto ito.

 

 

Narekober sa suspek ang apat nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, buy-bust money, P280 cash, ID, driver’s license, sling bag, cellphone at Yamaha motorcycle.

 

 

Samantala, dakong 1:30 naman ng madaling araw nang madamba din ng kabilang team ng SDEU si Jayson Bernardo alyas “Itek”, 34, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu si PCpl Robbie Vasquez na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa bahay ng suspek sa 143 Bisig Road, Brgy. Bisig.

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, nasamsam kay Bernardo ang nasa 6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40.800.00 ang halaga, buy-bust money, P200 cash, cellphone at kulay itim na coin purse. (Richard Mesa)

Other News
  • PSC program palakasin – Buhain

    MAS palakasin ang Phi­lippine Sports Commission (PSC) upang mas maging solido ang kampanya ng pambansang delegasyon sa mga international competitions.     Ito ang pananaw ni dating PSC chairman at Southeast Asian Games bemedalled swimmer Eric Buhain na kasalukuyang kinatawan ng Batangas First District sa Kongreso.     Nais ni Buhain na mapalawak pa ang […]

  • Gobyerno, gumagawa ng ‘urgent, decisive’ na aksyon para tugunan ang problema sa malnutrisyon – PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ang goboyerno ng ‘urgent, decisive, at multisectoral action” para tugunan ang problema sa malnutrisyon sa bansa.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2024 NATIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Lungsod ng Quezon, araw ng Biyernes, Marso 7, sinabi nito na naglunsad ang […]

  • Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie

    PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon.     Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi […]