• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino bibili ng track bikes para sa velodrome

KASALUKUYAN nang nag­hahanap si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ng mga track bikes para sa pagkumpleto sa Tagaytay City Velodrome ang unang indoor track cycling facility ng bansa na angkop sa International Cycling Union (UCI) standard.
Nakatakdang ilunsad ni Tolentino ang velodrome ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang sa Tagaytay City Foundation Anniversary.
“It’s a dream, not only to make Tagaytay City as a cycling and sports hub, but to help bring back the glory the Philippines enjoyed in the past,” ani Tolentino na pangulo rin ng PhilCycling.
Nasa Bangkok, Thailand ngayon ang POC chief para sa Southeast Asian Games Fede­ration m­eeting.
Idaraos ang 33rd edition ng SEA Games sa Dis­yembre, at habang nasa Bangkok siya ay nakipag-usap si Tolentino kay Thai cycling federation president General Decha Hemkasri para sa pagbili ng track bikes na gagamitin sa velodrome.