Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City.
Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board Meeting bukas (Martes, Enero 12) sa nasabing lugar.
“Ngayon lang namin napagtanto ang bagay na ito, at pangunahin namin itong pag-uusapan sa board. Ang POC pala walang permanenteng opisina sapul noong 1911 pa. Mabigat man itong sabihin, pero parang informal settler. Nakikitira lang ang POC sa facilities ng PSC. Hindi rin naman sa PSC ang kinatitirikang lugar (kasaosyo ang DepEd),” salaysay kamakalawa ni Tolentino.
Kakahalal lang opisyal ng sports at Cavite Eight District Representative na pangulo ng POC nitong Nobyembre at sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) nitong Disyembre.
“Nakakalungkot, pero baka isa tayo sa mundo, o sa Asia o kahit sa Southeast Asia na ang POC ay walang sariling opisina. Daig pa tayo ng Laos, Myanmar at Thailand na may mga sariling opisina. Kaya isa ito sa aking pagtutuunan ngayong taon,” panapos na namutawi kay Tolentino. (REC)
-
Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors
NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City. Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat […]
-
Racasa, aarangkada na ngayong taon
NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng […]
-
Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek
NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay. Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com. “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]