• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll rates sa NLEX, Cavitex tumaas

SINIMULAN kahapon ng pamunuan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at NLEX Corp na siyang mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ang pagtataas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

 

 

 

Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition upang magtaas ng kanilang toll rates na P2 para sa open system at P0.34 naman kada kilometro para sa closed system.

 

 

 

Ang open system ay magsisimula sa Balintawak sa Caloocan hanggang Marilao sa Bulacan habang ang closed system naman ay mula sa bahagi ng Bocaue, Bulacan hanggang Barangay Sta. Ines, Mabalacat, Pampanga kasama na ang Subic-Tipo.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga motorista na maglalakbay sa loob ng open system ay kinakailangan magbayad ng karagdagan P2 for para sa Class 1 na sasakyan (regular cars at SUVs), P6 sa Class 2 (buses at small trucks) at P8 naman sa Class 3 na sasakyan.

 

 

 

Kung kayat kung ang isang motorista na maglalakbay ng dulo sa dulo sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat ay magbabayad ng karagdagan P27 para sa Class 1, P69 sa Class 2 at P82 sa Class 3 na mga sasakyan.

 

 

 

Ang nasabing adjustments ay kasama sa pinayagan na periodic adjustments ng NLEX noong 2016 at ang completion ng bagong Subic Freeport Expressway (SFEX) noong 2021.

 

 

 

“The SFEX has been providing motorists safer and more comfortable travel experience since it was partially opened in December 2020 and fully completed in February this year,” wika ng MPTC.

 

 

 

Sa isang pahayag naman ng CIC, ang nasabing pagpapatupad ng bagong toll rates sa Cavitex Paranaque Toll Plaza ay nangyari ng binigyan ng TRB ng go-signal ang 2011 at 2014 na contractual tariff adjustments toll petition para sa Phase 1 and 2 enhancement works na ginawa sa Cavitex R-1 Expressway na natapos noong 2020.

 

 

 

Ang CIC ay siyang concessionaire para sa Cavitex kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA).

 

 

 

Kasama sa ginawang enhancements ay ang completion ng asphalt overlay sa kahabaan ng Cavitex, paglalagay ng Pacific flyover, left turn facility at bridge widening at ang pagsasagawa ng regular maintenance works upang masiguro ang road quality at safety ng mga motorista.

 

“The approved petitions translate to P4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles, P9.24 for Class 2 and P13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48 kilometers R-1 Expressway from Cavitex Longos, Bacoor entry to MIA exit and back,” saad ng CIC

 

 

 

Dahil dito ang bagong fare toll fee matrix para sa Class 1 na sasakyan ay P33 mula sa dating P25, Class 2 ay P67 mula sa dating P50 at Class 3 ay P100 mula sa dating P75.

 

 

 

Upang mabawasan ang impact ng pagtataas ng toll rates, sinabi ng pamunuan ng NLEX na ang mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepneys na covered ng NLEX Passada at Tsuper Card discount at rebate program ay mananatiling lumang rates pa rin ang babayaran.

 

 

 

Habang ang mga provincial buses naman ay covered ng graduated rebate scheme hanggang tatlong (3) buwan.  LASACMAR

Other News
  • Hamilton muling napantayan ang winning record ni Schumacher

    Nakapagtala ng panibagong record si Formula One champion Lewis Hamilton.   Ito ay matapos na mapantayan na niya ang pitong world titles ng F1 legend Michael Schumacher.   Nakuha nito ang panalo sa Turkish Grand Pix na ginanap sa Istanbul Park.   Madali lang nito ng nakuha ang walong puntos sa kaniyang team mate na […]

  • Gov’t compensation para sa violent crime victims, itaas

    NAIS  ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na taasan ng 5 beses ang reparations na maaaring makuha ng mga biktima ng bayolenteng krimen, kabilang ang rape survivors, mula sa gobyerno sa ilalim ng  special program ng Department of Justice (DOJ).     Sa House Bill No. 5029,  ang biktima o pamilya nito, ng bayolenteng krimen […]

  • Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

    Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.     Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.     Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon […]