• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOM, gustung-gusto nang makasama ni CARLA ‘pag natapos na ang kanilang lock-in taping

DESPITE the challenges of the COVID-19 pandemic, nagawa pa ring maayos nila Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal na sa Nobyembre magaganap.

 

 

Ayon kay Carla, wala raw nabago sa original plans nila. May mga adjustments lang dahil sa mga susundin na protocols.

 

 

“Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don’t have full control over what’s happening around us, pati ‘yung protocols, decision ng government, it affects everything. Pero kahit paano naitatawid naman po so far.”

 

 

Kahit na matagal na nagkahiwalay ang dalawa dahil sa kanilang lock-in tapings, hindi raw naging hadlang iyon para maayos ang kasal nila.

 

 

“This is the longest na nagkahiwalay kami ni Tom. We are both in different tapings kaya we communicate through video chat with our suppliers.

 

 

“Tuwing break ng taping namin ng To Have And To Hold, dun lang ako nakakaharap sa suppliers namin via Zoom. Sa awa ng Diyos, naging successful naman ang lahat for us.”

 

 

Looking forward si Carla na makasama na niya ang fiance na si Tom kapag natapos na ang lock-in taping nito ng The World Between Us.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS nang walong taon, maglalabas si Geneva Cruz ng new single titled “Sinungaling”.

 

 

Eight years nagpahinga si Geneva sa recording scene at na-excite siya sa muling paglabas ng new song sa ilalim ng Curve Entertainment at composed ang single niya ni Junji Arias.

 

 

Nag-shoot na rin ng music video si Geneva ng ”Sinungaling” na ire-release in October. Dinirek ito ng fellow Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo. Ang styling ng video ay mula sa kaibigan niyang si Rachel Alejandro. 

 

 

Huiing album ni Geneva ay To Manila na ni-release noong 2013. Ilang taon ding tumira abroad ang singer bago siya mag-decide na bumalik sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

BUMUHOS ang pakikiramay sa pagpanaw ng Sex and the City actor na si Willie Gardon sa edad na 57 dahil sa pancreatic cancer.

 

 

Gumanap si Garson sa SATC bilang loveable gay BFF ni Sarah Jessica Parker na si Stanford Blatch.

 

 

Naging regular si Gardon sa six seasons ng SATC at lumabas din siya sa dalawang film versions ng award-winning HBO comedy noong 2008 at 2010.

 

 

Kasama ulit ang character niya sa reboot ng SATC na And Just Like That…

 

 

Mensahe ng adopted son niya na si Nathen: “I’m glad you shared your love with me. I’ll never forget it or lose it.”

 

 

Nag-post din ng kani-kanilang mensahe sa social media ang mga nakatrabaho ni Garson sa mga shows at pelikula tulad nila Cynthia Nixon, Kim Cattrall, Kristin Davis, Mario Cantone, Ben Stiller, Jason Alexander, Julie Bowen, Chad Lowe, Rex Lee at marami pang iba.

 

 

Hinihintay ng marami ang post ni Sarah Jessica on social media ng kanyang magiging mensahe sa pagpanaw ng TV BFF niya.

 

 

Bukod sa SATC, lumabas din si Garson sa John from Cincinnati, White Collar, Whole Way Down and Hawaii Five-O.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • 3 drug suspects tiklo sa halos P.4M droga at baril sa Caloocan

    UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong mga suspek […]

  • Duterte, negatibo sa drugs

    ITO ay batay sa ipinalabas na resulta ng tanggapan ni Davao City Rep. Paolo Zimmerman Duterte sa isinagawang hair follicle drug test ng Hi-Precision Diagnostics Center na ginawa noong Oktubre 23, 2024.   Ang test na kilala bilang “Hair 7 Drug Panel Test,” na ginawa sa nakuhang hair sample mula sa mambabatas, ng Omega Laboratories, […]

  • Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

    Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.   Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.   Dahil dito, agad daw mag-iisyu […]