Top 10 most wanted person ng Valenzuela, nadakma
- Published on January 17, 2024
- by @peoplesbalita
KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng the Station Intelligence Section (SIS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.
Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-5:15 ng hapon sa Lot. 1, Blk. 24, Green Meadows, Brgy., Punturin.
Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270 Presiding Judge Evangeline S. Mendoza Francisco noong October 6, 2021, para sa pagabag sa Sec. 5 (B) Art. III of R.A. 7610 – Child Abuse Law.
Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)
-
Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA
TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA). Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos. Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan […]
-
3 binitbit sa P68K shabu, baril sa Valenzuela
KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek bilang sina Jonathan Awud alyas “Tutan”, 34, Ronie […]
-
PVL magbibigay-daan sa national team
Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games. Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na […]