• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan

ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas “Daga”, 40, vendor ng No. 19 Malaria Road, Brgy. 185.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na kasama ang mga tauhan ng PNP DEG SOU 4B sa pangunguna ni PCPT Camilo Fajardo Jr, nagsagawa ang Caloocan police sa pangunguna ni PMAJ Segundino Bulan Jr at PMAJ Geraldson Rivera ng joint manhunt operation kontra wanted persons.

 

 

Ani Major Rivera, sinilbihan nila ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Region Branch 40, Calapan City, Mindoro Oriental noong January 25, 2023, para sa kasong Section 5 Art II of RA 9165 ang akusado sa loob ng Custodial Facility ng Tala Police sub-Station (SS14) dakong alas-2:50 ng hapon.

 

 

Nauna rito, naaresto ng mga tauhan ng SS14 si Villafuerte dahil sa paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz) sa lungsod hanggang sa mapag-alaman ng pulisya na wanted ang suspek sa Oriental Mindoro dahil sa pagkakasangkot sa pagbebenta ng illegal na droga.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang mga operating team sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person na hinahanap ng batas. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

    Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos  sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang […]

  • DOTr nag award ng tatlong contracts para sa PNR Phase 2 Project

    NAG-AWARD ng tatlong natitira pa na contracts para sa civil works ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) na laan sa Clark Phase 2 project o ang Malolos- Clark extension ng North-South Commuter Railway System.   Ang tatlong (3) contract packages ang siyang nagkumpleto sa limang (5) civil works packages ng PNR […]

  • VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO

    PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro.     Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.     Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan  Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban […]