• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 3 most wanted person ng Navotas, nakorner sa Caloocan

NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang 22-anyos na lalaki na nasa top 3 most wanted person sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni DSUO chief PLTCOL Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. 28, Caloocan City na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng DSOU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapaz, sinabi ni Lt Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado sa kaya bumuo siya ng team sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva para sa gagawing pagtugis kay ‘Badjo’.

 

 

Kasama ang mga tauhan ng NPD-DID, Northern NCR Maritime Police Station at WSS ng Navotas police, agad nagsagawa ang DSOU ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng Blk. 14 Pamasawata Brgy., 28 Caloocan City.

 

 

Ani Maj. Villanueva, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-Del Rosario ng Branch 287, Navotas City noong January 30, 2024 para sa kasong Murder.

 

 

Sinabi ni Lt Col. Sales na ang pagkakaaresto sa akusado ay alinsunod sa inilitag na agenda ng Chief PNP na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon

    MALAKI ang tsansa na maging isang Super Typhoon ang bagyong Leon sa panahon na ito ay papalapit sa Batanes.   Ito ay batay sa weather outlook ng PAGASA kaugnay ng galaw ng naturang bagyo.   Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa […]

  • Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

    Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.   Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.   Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 […]

  • ‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

    TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.     Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.   […]