Top 4 MWP ng Malabon, laglag sa selda
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
HIMAS-REHAS ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng panggagahasa nang matiyumpuhan ng tumutugis na mga pulis habang pagala-gala sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Dodong” sa Brgy. Longos.
Inatasan ni Col. Baybayan ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at tugisin ang akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
Dakong alas-10:10 ng umaga nang matiyempuhan ng mga tauhan ng WSS ang akusado sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape in relation to RA 7610 (Child Abuse) na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada, ng RTC Branch 289, Malabon City noong April 23, 2024, na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Malabon CPS Custodial Facility habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinuri ni Col. Ligan ang Malabon police sa kanilang walang humpay na paghahangad ng hustisya at dedikasyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.
Aniya, ang NPD ay nananatiling nakapukos sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)
-
Pinakamabilis makahawa na Omicron XBB.1.5 subvariant, nasa Pinas na
NAKAPASOK na rin sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.5 na sinasabing higit na nakakahawa kaysa sa ibang sublineage makaraang matukoy ng Department of Health (DOH) ang unang kaso nito. Sa huling COVID-19 biosurveillance report, iniulat ng DOH ang 196 sa 1,078 na samples na isinailalim sa sequencing ang klinasipikado na XBB, kabilang dito […]
-
4-day workweek, hirit ng NEDA
INIREKOMENDA ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo […]
-
P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke
MABILIS na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage. Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. […]