Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities.
Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang kanyang pinagsamantalahan noong nagdaang taon hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado.
Katuwang ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Investigation and Detective Management Section (IDMS), Northern Maritime Police Station at RIU-NCR, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, dakong alas-5 ng hapon sa Phase 8a, Block 89, Lot 28, Brgy. 17 Bagong Silang.
Ani Col. Lacuesta, binitbit ang akusado sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Branch 131 na may petsang Disyembre 28, 2023 para sa kasong Statutory Rape at Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610 o Special Protection Against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ng SIS ng Valenzuela police sa manhunt operation sa harap ng isang gas station sa Mac Arthur Hi-way, Brgy. Malinta bandang alas-11:15 ng gabi ang isa pang akusado na nasa top 5 MWP naman ng NPD na si alyas “Dodong”.
Ayon kay Valenbzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S Mendoza-Francisco ng RTCt, Branch 270, Valenzuela City noong August 23, 2021, para sa kasong Sec. 2. Par. 2 of the RPC as amended by R.A. 8353 of RPC Art 266-A (Rape) and Sec. 2, Par 1(B) of the RPC as amended by RA 8353 of RPC Art. V266-A (2 counts of Rape).
Pinuri naman ni NPD Director P/BGen, Rizalito Gapas ang Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado. (Richard Mesa)
-
Forever grateful dahil maraming magagandang nangyari: KIM, pinupuri ng netizens dahil sinama pa rin si XIAN sa ‘2023 recap’
SA pagsisimula ng bagong taon, nag-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe. Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post. May caption ito ng, “DAY 1 of 2024! “Start of […]
-
WADE, PINILI ANG HEAT NA MANANALO KAYSA SA BEST FRIEND NA SI LEBRON SA LAKERS
MAS pinili ni dating NBA star Dwayne Wade ang Miami Heat na manalo sa NBA finals laban sa Los Angeles Lakers. Ito ay matapos na tanungin siya mismo ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson. Sinabi ni Wade na mas pipiliin niyang magwagi ang Heat na dati nitong koponan kaysa sa […]
-
‘Godfather’ ng POGO sa Pinas, timbog!
NADAKIP ng mga tauhan ng Presidential Anti-Orga¬nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) kamakalawa ng gabi ang itinuturing na “big boss” ng Lucky South 99 na nag-o-operate ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga. Ayon kay PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, si Lyu Dong alyas Hao Hao, Boss Boga, […]