• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 6 most wanted person ng NPD, timbog

Makalipas ang limang taon pagtatago, nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Calumpit, Bulacan.

 

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head P/Col. Ferdinand Del Rosario kay NPD Director PBGen. Eliseo Cruz kinilala ang naarestong suspek na si Rudy Mar Cruz, 25, online seller (Auto Parts).

 

Matapos ang nalikom na impormasyon at makumpirma ng mga tauhan ng DSOU ang hinggil sa pinagtataguan ng suspek ay agad bumuo ng team si Col. Del Rosario.

 

Pinangunahan ni P/Major Amor Cerillo at PLT Melito Pabon ang binuong team ng NPD-DSOU sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Del Rosario, kasama ang RIU, IG, NCR ay pinuntahan ng mga ito ang pinagtataguan ng suspek sa Gatbuca, Zone 4, Calumpit Bulacan dakong 7:45 ng gabi.

 

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, presiding Judge, Malabon RTC Branch 169 sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Kaugnay nito, pinuri ni NPD Director Cruz ang mga miyembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkadakip sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

    MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.   Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer ¬†middle blocker kasama ang apat na iba pa mga […]

  • Ads February 17, 2021

  • Ads September 25, 2020