TORCH RELAY POSIBLENG IKANSELA VS COVID-19 OUTBREAK
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
PAG-IISIPAN umano ni Organizing committee Director General Toshiro Muto ang pansamantalang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics torch relay na nakatakdang gawin sa Marso.
Nagbunsod ang desisyon na ito matapos manawagan ng Japanese government na kung maaari lamang ay kanselahain ang malalaking gatherings, tulad ng sporting at cultural events o ‘di kaya naman ay ilipat ng ibang petsa.
Ayon kay Muto, iniisip din daw nilang magpatupad ng bagong patakaran para kahit papaano ay maisagawa pa rin ang relay.
Nakatakdang dalahin ang Olympic flame sa Japan sa Marso 20 matapos itong sindihan sa Olympia, Greece habang sa Marso 26 naman sisimulang iikot ang naturang torch sa Fukushima Prefecture.
Sinabi pa ni Muto na pagdedesisyunan din ng komite kung hindi muna itutuloy ang mga nakatakdang events pagkatapos nilang aralin kung gaano kalaki ang magiging epekto ng coronavirus outbreak sa mga sporting events.
Dagdag pa nito na bumubuo na rin sila ng iba’t ibang guidelines na ipatutupad kung sakali man na ituloy ang 2020 Tokyo Olympics.
Wala namang sunod na plano o plan B ang bansang Japan habang nagbabanta pa rin ang nasabing virus ilang buwan bago sumipa ang 2020 Tokyo Olympics.
“There will not be one bit of change in holding the Games as planned,” pahayag ni 2020 Tokyo Olympic deputy director Katsura Enyo sa isang panayam.
Pangamba nito, malaki at marami ang masasayang kung hindi ito matutuloy dahil matagal nila itong pinaghandaan.
Sa katunayan ay ginastusan umano ito ng halos $12 bilyon maisakatuparan lang ang quadrennial event.
“We are not even thinking of when or in what contingency we might decide things. There is no thought of change at all in my mind,” aniya.
Sa ngayon ay wala pang tiyak na kasagutan kung ikakansela ba ang event. “No such debate is going on,” sambit nito.
Gayunman tiniyak na handa pa rin ang International Olympic Committee na hawakan ang 2020 Games sa Tokyo sa kabila ng patuloy na paglaki ng kaso ng coronavirus.
“The IOC is fully committed to a successful Olympic Games in Tokyo starting July 24,” pahayag ni Thomas Bach sa Japanese media ayon sa Kyodo News.
Naglatag na rin si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng mga national measures para masupil ang naturang outbreak katulad na lang ng pansamantalang pagpapasara ng ilang paaralan.
Hindi naman pinahagingan ni Bach sa kanyang komento sa senior IOC member na Dick Pound na nagsabi ng posibleng kanselasyon ng laro.
Samantala, nilinaw naman ni Pound na wala pang pormal na diskusyon kasama ang miyembro ng IOC kaugnay ng usapin sa kanselasyon.
-
Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister
MULING pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia. Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli. Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio […]
-
Gilas training magsisimula na!
AARANGKADA na ngayong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito. Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star […]
-
Mga menor-de-edad sa Navotas, bawal pa rin lumabas
HINDI pa maaring gumala ang mga menor-de-edad sa Lungsod ng Navotas dahil tuloy ang 24-oras na curfew para sa kanila sa kabila ng pasya ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang mga may edad 15-65 na umalis ng bahay. “We want our children to stay […]