• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.

 

 

Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula naman sa Abril 9.

 

 

“A lot of people want to score, do things like this, like that, but honestly I love guarding the best guys. If you pay me or recruit me just to play defense and guard the best guy, g (go) ako, as in super go ako,” bulalas kahapon ng Fil-Am cager.

 

 

Idinugtong ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Makati Super Crunch at University Athletic Association of the Philippies (UAAP)De La Salle University Green Archers,  “There’s a lot of studs, a lot of people that could score but you gotta have those players that could bridge the gap to get a championship, to get the w (win). And I already took pride on that. Coach Juno (Sauler) told me ‘you have a good size, kaya mo naman, you can guard.”

 

 

Nagbalik siya ng Estados Unidos noong 2016 at doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

 

 

At sa kanyang pagbabalik-‘Pinas, nagpasiklab si Torralba para sa Makati na inihatid niya sa North Division Finals ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 kung saan nag-average siya ng 10.7 points, 2.7 rebounds at 1.1 steals.

 

 

“I’m not just a defensive player but I’m also an offensive player,” panapos na wika ng basketbolista sa Opensa Depensa. (REC)

Other News
  • Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests

    ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.   Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga […]

  • Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible

    Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate.     Sa Metro Manila umano ay gumanda na […]

  • Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

    NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.     Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa […]