• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tour of Luzon magbabalik

ILANG taon nawala ang mga cycling events sa bansa.
Inilunsad kahapon ang eight-stage, 1,050-kilometer Tour of Luzon 2025: The Great Revival kasama ang mga top sports officials sa Meralco Lighthouse sa Pasig City.
Ibabalik ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at ng DuckWorld PH ang legendary race na unang pumadyak noong 1955 at nagtapos noong 1998 bago binuhay noong 2002.
“The Tour of Luzon is not just a race; it is a symbol of grandness and nobi­lity. Its greatness lies in its vision—a vision that dared to conquer the impossible through sheer force of will, discipline, and determination,’’ ani MPTC Chairman at CEO Manny V. Pangi­linan.
Sinabi ni DuckWorld PH chief Pato Gregorio na hindi dapat mamatay ang Tour of Luzon.
“It is an iconic event that it cannot die. I hope we can continue this for the years to come,” ani Gregorio sa Tour of Luzon na papadyak sa Abril 24 sa Laoag City, Ilocos Norte at magtatapos sa Mayo 1 sa Camp John Hay sa Baguio City.
Sumuporta sa proyekto sina MPTC chief regulatory officer Arrey Perez, at sina Philippine Sports Commission chief Richard Bachmann at Philippine Olympic Committee at PhilCycling president Abraham ‘Bambpl’  Tolentino.
“Finally, naibalik po ang Tour of Luzon, kaya nagpapasalamat kami sa MPTC, sa DuckWorld PH at sa MVP Group,” sabi ni Tolentino. “Magandang simula ito para sa revival ng Tour of Luzon.”
Ang 170km Laoag to Laoag Stage One ay susundan ng 80km Team Trial  sa Stage Two mula sa Laoag papunta sa Vigan, Ilocos Sur sa Mayo 25.
Kasunod nito ang 170km Vigan-Agoo Stage Three sa Abril 26, 150km Agoo-Clark Stage Four sa Abril 27, 120km Clark-Clark (via New Clark City) Stage Five sa Abril 28, 150km Clark-Lingayen Stage Six sa Abril 29 at ang 30km Lingayen-Lingayen individual time trial Stage Seven sa Abril 30.
Huling sasalang ang mga riders sa 180km Lingayen-Baguio Stage Eight sa Mayo 1 na hihirang sa Tour of Luzon champion.
Sasabak sa aksyon ang 120 hanggang 150 siklisa mula sa 15 hanggang 20 koponan.
Inimbitahan din ang tig-isang tropa mula sa Singapore, Indonesia at Thailand.
Mag-aagawan sila sa premyong P1 milyon para sa team champion at P500,000 para sa individual winner.
Other News
  • Ginebra nasungkit din ang PBA All-Filipino crown makalipas ang 13-yrs

    Inabot din ng 13 taon bago muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang most coveted title na All-Filipino crown matapos talunin ang TNT Giga sa Game 5, 82-78.   Hindi na pinakawalan pa ng Ginebra ang abanse mula sa second half hanggang sa pagtatapos ng game sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena and […]

  • Top 6 most wanted person ng NPD, natimbog ng Valenzuela police sa Samar

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lalaking akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos matunton ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang kanyang pinagtaguang sa lalawigan ng Samar, kamakalawa ng tanghali.     Inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador […]

  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]