• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tradisyunal na pag- oobserba ng darating na Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID – Malakanyang

HINILING ng Malakanyang sa mamamayang filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.

 

Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.

 

Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na din sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag- oobserba ng nabanggit na okasyon.

 

“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin ng mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.

 

Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makakatulong aniya ang ilang araw na kuwaresma KUNG i-oobserba lang ang nakaugaliang pag- aalaala dito.

 

“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo

    PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise.     “For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday […]

  • PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector

    DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang  healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon.     Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]

  • MALALAKING PAMILYA MULA SULTAN KUDARAT AT MAGUINDANAO SOLIDO ANG SUPORTA SA UNITEAM

    NAGPAHAYAG ng buong suporta ang malalaking pamilya mula sa Sultan Kudarat Province at Maguindanao Province sa tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte sa katatapos lang na pagdiriwang ng 5th Kudaraten Festival sa Sultan Kudarat.     Kabilang sa nasabing pagtitipon sina Maguindanao Governor Mariam Mangudadatu, Sultan Kudarat Governor Suharto ‘Teng’ […]